Tatlong araw na rin ang nakalilipas simula nang unang nagkamalay ang estrangherang dalaga sa bahay ni Mrs. Vragus. Ang ginang ay personal na kumuha ng isang linggong sick leave sa kumpanya upang maging hands on sa kakailanganin ng dalaga.
Pinauwi na rin kasi niya ang nars na nagbabantay rito upang makapagpahinga at para na rin hindi ito sumagabal sa masinsinang pag-uusap nila ng pasyente once na makapagbigkas na ito ng salita. Hangga’t maaga pa ay mas magandang masabi n ani Mrs. Vragus ang kanyang plano rito upang siguraduhing walang palya sa nais niya.
At kung hindi man pumayag ng maayos ang dalaga, gagawa na lamang siya ng panibagong paraan para lamang mapapayag ito. When it comes to protecting her late husband’s legacy, Leonora Vragus can do anything impossible possible with her determination and endless effort.
Napabalik siya sa ulirat nang marinig niya ang mahinang boses na nanggagaling sa kanyang tabi. Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa may sofa na nasa tabi lamang ng hospital bed ng dalaga. Nagbabasa siya ng Fortune Magazine kanina nang hindi niya mamalayang nakaidlip na pala siya ng hindi inaasahan.
Agad-agad na tumaas ang level of excitement sa kanyang dugo nang marinig sa pinakaunang pagkakataon ang tunog ng boses ng dalagang siyam na buwan na rin niyang inalagaan sa kanyang puder kahit ni isang hibla ng buhok nito ay hindi niya kilala.
“Na…na…saan a…ko?” tanong ng boses.
Bumangon ang ginang at halos patakbong tinungo ang kinahihimlayan ng dalaga at hawakan ang mga kamay nito na nag-struggle na tinataas ito na tila ba naghahanap ng taong mapagtatanungan.
“Thank goodness you can finally say a word! Are you okay, my dear?” masayang wika ni Mrs. Vragus. Hindi lamang dahil sa wakas ay maidi-discuss na niya nag kanyang terms and plans, ay kundi dahil na rin talaga sa pag-aalalang na-develop niya sa loob ba naman ng napakahabang panahon na nakikita itong nakaratay at naghihirap. Bilang isang tao ay natural na lamang makadama ng simpatya sa kapwa lalung-lalo na sa mga kawawa, inaapi at mga walang matakbuhan sa buhay.
Kita sa mga mata ng dalaga ang pagkagulat. Batid niyang hindi niya kilala ang taong ngayon ay nakatingin sa kanya ng punong-punong kasiyahan at kagalakan.
Hindi ito ang kanyang ina, ama o kapatid pero ramdam niyang may malaki itong pakialam sa kanya. Naalala niya ring ito ang pangalawang mukha na kanyang nasilayan pagkagising niya, after ng baabeng nakasuot ng nursing uniform.
Dito na namuo ang katanungan sa kanyang isipan…
“Si…sino ka?” putol-putol niyang tanong.
Medyo nagulantang ang ginang. Tila ba ngayon lang din nito mapagtantong hindi pala ito ang tunay niyang anak at hindi siya nito kilala. Minsan kasi talaga hindi niya maiwasang ma-deceive sa mukhang suot nito na perpektong carbon copy ng mukha ng yumaong niyang anak siyam na buwan na rin ang nakalilipas.
“Ah yes… hmmm, my name is Leonara Vragus, your mo---” napahinto siya.
‘Come on, Leonora. You know better than to shock the hell out of her,’ pagre-remind niya sa sarili. She knew better na hindi dapat niya bigla-bigla na lamang ibabagsak ang mga ganitong mga bagay ng isahan. Baka mawalan ulit ng malay ang dilag at kailanganin pa ulit niyang maghintay ng siyam na buwan bago ito magkamalay.
Nagiging mailap at mapanghamon na rin ang ilang miyembro ng board of directors at shareholders na kaanib ng kabit ng chairman na ilabas na raw sa publiko ang naiwang anak ni Emiliano Vragus, ang yumaong unang anak na lalaki ng Vragus Empire Chiarman. Ito ay matapos na mag-held ng media press si Celeste, ang kabit ng chairman, upang ipakilala sa mundo ang ikalawang anak na lalaki ng chairman.