Aminadong mahina pa ang kanyang katawan, ay hindi nagdalawang isip ang dalagang nakahimlay sa personalized hospital bed na tama ang kanyang pandinig.
‘Drea…nara?’ bulong niya sa kanyang isipan sapagkat wala pa siyang lakas upang bumigkas ng anumang salita gamit ang kanyang bibig at lalamunan.
“Dreanara… my daughter¸” pag-uulit pa ng ginang habang pinapanatili ang pagkasabik sa kanyang mukha.
Sa kanyang komplikadong plano, mas maigi ng mas magandang kukunti ang kakaalam ng lahat. Maging ang nars na hinire niyang magbantay ay hindi pa inform patungkol dito. Tanging ang surgeon na nagsagawa ng facial procedures sa sira-sira at sunog na sunog na mukha ng dalaga ang may ideya sa plano ng ginang.
At sempre, hindi lamang basta-bastang doctor ng mukha ito, bagkus isa itong matalik na kaibigan ni Mrs. Vragus kung kaya naman ay mas kampante siyang ipagkatiwala ang napakalaki at napaka-critical na sikreto na ito. Isa pa malaki ang naging utang na loob ng doctor na ito sa kanyang yumaong asawa sapagkat ito ang unang nagpasok sa kanya sa trabaho, hanggang makapag-ipon at makapagpatayo na rin ito ng sariling facial procedure clinic.
“Thank goodness you’re awake,” dagdag pa ni Mrs. Vragus gamit ang napaka-motherly tone niya. Maging siya ay naguguluhan kung purong pagpapanggap lang ba talaga ang mga reaksiyon niya or kalahati nito ay katotoohanan?
Sa loob ba naman kasi ng siyam na buwan na pag-aalaga nila sa mansiyon sa estrangherang dalaga, ay hindi na rin impossibleng mapalapit ang loob rito. Hindi man dahil sa suot nito ang mukha ng anak, ngunit dahil na rin isa itong kapwa tao na kanilang nasagip mula sa pagiging homeless at kawalang kapamilya o relatives man lamang para magbantay sa kanya, at magbayad ng mga hospital bills niya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na kapag walang legal guardian o family members ang magprisinta ay hindi na lamang gagalawin ang pasyente. Ito ay ayon sa hospital protocol sapagkat sila ang mananagot kapag may masamang mangayari sa pasyente o worst mawalan ito ng buhay sa kanilang operating table. Isa pa, wala ring masisingilan ang ospital sa mga medical fees na gagastusin kung kaya naman hindi ito isang ideal move, at hahayaan na lamang ang pasyente.
And everybody knows at that time na malalagutan na ng hininga ang dalagang lulan ng itim na sasakayan na nahulog sa matayog na bangin ng malawak na ilog, kung hindi ito kaagad maaagapang mabigyan ng medical attention.
This planned set up of Mrs. Vragus sure is both beneficial for the two of them. Since she saved her life, it was now her turn to save her legacy as the remaining wife of the late chairman’s first-born son – Emilio Vragus, her husband.
Napabalik sa ulirat ang ginang nangmay tumulong mga luha sa mata ng dalaga habang blanko itong nakatingin sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman ay naiiyak ang dalaga dahil sa nakikitang warmth at care sa mga mata ng ginang, tingin na ni minsan ay hindi niya nakita sa kanyang nanay-nanayan sa loob ng twenty-one years nilang pagsasama sa bahay.
Tila ba naging awtomatikong napaabot ng kamay si Mrs. Vragus upang punasan ang mga luha ng anak.
“You can leave us now,” bulong nito sa nars nang maramdamang tila ba mas nagiging emosiyonal ang atmosphere.
Hindi naman ito umimik at kusa na ring naglakad palabas bilang respeto sa mag-inang halos mag-iisang taon na ring hindi nakakapag-usap.