Kabanata 56

1051 Words
Kaagad na napabaling ang atensiyon ni Mrs. Vragus sa taong kapapasok lamang sa kanyang opisina nang mapagtantong ito ang kanyang anak. Ang dalaga’y bahagyang hinihingal, palatandaan na nagmamadali itong tumakbo sa opisina ng ina.   “What brings you here, darling?” ani ng ginang na hindi maitatago ang nararamdamang curiousity dahil sa nakaarko nitong mga kilay.   Mabilis na inabutan ng tubig ang dalaga upang mahimasmasan mula sa pagmamadali.   Nang makaiinom na at maibalik ang kanyang composure ay kaagad siyang nagsalbi ng pakay kung bakit bigla siyang napasugod.   “Mom, can we talk in private. I have something confidential to tell you,” ani ni Dreanara habang sinesenyasan ang in ana gamitin nila ang small soundproof conference room na karugtong ng opisina ng ginang. Halos lahat ng mga opisina ng mga matataas na empleyado ng Vragus Empire ay may ganitong mga room extension for privacy purposes kung sakaling ay mga bagay na hindi dapat pag-usapan sa publiko.   Na-gets naman ito ng ginang at tsaka naunang tumayo upang i-punch ang kanyang fingerprint para magabukas ang pintuan ng maliit na soundproof room. Tumayo na rin Si Dreanara mula sa kinauupuan upang sundan sa loob ang ina.   Agad nilang sinara ang pintuan upang siguraduhing walang ibang makakarinig ng kanilang pag-uusapan.   Hindi na sinayang ng dalaga ang oras at kaagad na isinalaysay ang lahat, maging ang nais nitong pagbulgar ng katotohanan sa lalaki. Kagaya noong una ay kaagad na tumutol ang ginang ngunit hindi pa rin siya sinukuan nito.   “Mom… I mean Mrs. Vragus,” pag-iiba ng dalaga ng kanyang approach sa ginang. Nais niyang ipa-realize sa ginang ang kahalagahan ng pagbibigay galang nila sa tunay na nararamdaman ng tunay na Dreanara.   Medyo napapintig ang tenga ng ginang ng tanggalin ni Hariet ang sweet act nitong pagtatawag sa kanya ng ‘mom’ kapalit ng mas pormal na katawagan ‘Mrs. Vragus.’ Batid niyang nagsasalita ito mula sa honest na opinion niya bilang si Hariet Fernillo at hindi bilang ang impostor ni Dreanara Iris Vragus.   “You’re also a woman. Babae ka rin, Ma’am. Batid kong batid mong mas magiging panatag ang kaluluwa ng iyong anak kung alam niyang naiparating ang tunay niyang nararamdam sa lalaking halos dalawang taon siyang niligawan. I don’t think she would love it if make it look like she never loved Austin Lim when in fact she did love him very well,” mahaba at madamdaming wika ng dalaga upang ilabas ang naging realisasiyon niya matapos ang mahaba-habang pangninilay-nilay.   Dito naman nanghina ang mga tuhod ni Mrs. Vragus at kusang napaupo sa pinakamalapit na upuan. Itanggi niya man ay hindi niya maililihim sa sarili na bahagya siyang naapektuhan sa mahabang litanya ng dalaga. Tagus na tagos sa kanyang puso na para para bang isang itak ang mga salitang binitawan nito.   She couldn’t help but to sympathize with the lady.   ‘Right. What if… ito talaga ang nais ng aking pinakamamahal na anak? My darling angel Dreanara, tell me is she right about what you want?’ parang baliw na tanong ng ginang sa kanyang isipan. Bumubulong siya ng tanong sa taong alam niyang hinding-hindi siya kayang bigyan ng literal na kasagutan dahil matagal na itong wala sa mundo.   And before she knows it, Dreanara’s mother started to tear up. Hindi na nakapalag ang mga namumuong luha at saganang bumagsak sa pisngi at baba nito.   “Mom…” mahinang usal ni Hariet na ngayon ay nakabalik na sa pagiging anak-anakan sa ginang. Hindi niya gustong makitang tila ba nagbre-breakdown ang ina.   Kaagad na itinaas ng ginang ang isang kamay upang pigilan ang dalaga na lumapit sa kanya upang i-comfort siya. This was nothing to do with her anyway. Only that… ngayon niya lamang as in nabigyan ng considerasiyon na papaano kung tama nga ang opinion ng anak-anakan.   “I’m okay… I-I am just a li-little ashamed that I didn’t realize it myself at first. Kailangan pang may magsabi sa akin,” pagtatapat ng ginang ng nararamdamangdisappointment sa sarili. “Thank you, Hariet for making me see the other perspective,” pagpapasalamat nito.   “N-No problem po. I owe you almost everything I have now,” pagbabalik pasalamat ng dalaga.   Ngumiti lamang si Mrs. Vragus at tumingin sa labas at sa mapayapang kalangitan.   “Go on, and tell that young man about the truth. If this is what will make my darling’s soul rest in peace, I wouldn’t have a second thought. Only if I realized it sooner…”   Humarap muli ang ginang at tsaka isinulat ang address at stall number ng cremated body ng kanyang anak.   “This is my daughter’s resting place. Go on and pay a visit. This would be the first you’ll be seeing each other. I know she would like you just as much as I do,” nakangiting wika ng ginang.   Hindi naman mapigilan ni Hariet na mapalaki ang kanyang mga mata. Tama nga ang ginang. Ito ang magiging unang pagkakataon na mabibisita niya ang puntod ng tunay na Dreanara. Tila ba halos iniiwasan ng ginang na ilabas ang topic patungkol sa pagkawala ng tunay na Dreanara. Marahil ang pag-iwas na pag-usapan ito ang paraan niya upang iwaglit ang nararamdaman niyang mabigat na kalungkutan.   Tinanggap ng dalaga ang maliit na papel tsaka lumabas ng opisina ng ginang.   Nang mapag-isa na ay muling tumalikod ang ginang upang harapin ang glass wall ng kanyang office at tanawin ang mga ulap.   “Maybe, I was being too blinded of taking revenge on the people whom I assume have to do with all your deaths,” malungkot na ani nito patungkol sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak.   “Even if everyone thought it was all an accident, I cannot believe it. I know someone is behind it, and I will never rest until I make sure they got what they deserve,” matigas na dagdag nito habang awtomatikong nag-replay sa kanyang utak ang pagmumukha ng ikalawang asawa ng chairman at ang anak nito, sina Estrella at Jackson.   “Since I do not have a proof or evidence to prove their guilt, I will punish them by taking everything they stole from us if this was the least, I can do.”   Tak! tunog ng bagay na nasira.   Hindi namalayan ng ginang na napakuyom na pala ang kanyang mga kamao dahilan upang mahati sa dalawa ang katawan ng ballpen sa kanyang kamay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD