Kabanata 55

1475 Words
Halos mag-iisang linggo na ang makalipas simula nang maganap ang palpak na dinner date nila Dreanara at Austin. Halos mag-iisang linggo na ring litung-luto ang isipan at damdamin ng binata habang bigat na bigat ang konsensiya ng dalaga dahil sa hindi pagpapaalam ng katotohanan.   Mabuti na lamang at binigyan siya ng space ni Austin at hindi muna pisikal na binibisita sa bahay o di kaya’y sa trabaho. Nagte-text lamang ito paminsan-minsan ng update kung nasaan siya ngayon at mga mahahalagang bagay nan ais niyang ipaalam sa dalaga. He was acting like a very responsible boyfriend updating every significant event in his lives. Mas nagiging mahirap na tuloy para sa dalaga ang i-ignore ito at itago ang katotohanan patungkol sa tunay na nangyari sa tunay na Dreanara.   She did want to tell this pitiful man about the truth kinabukasan ng dinner kung hindi lamang siya pinigilan ni Mrs. Vragus. Anito hindi magiging magandang may iba pang nakakaalam na wala na ang tunay na Dreanara at siya ay isang impostor lamang. Mas maraming nakakaalam, mas delikado.   Para na rin raw ito sa ikabubuti ng binata na hindi madawit sa malaking kasinungalingang ito. Alam naman ng ginang kung gaano ito kasikat sa industriya ng musika sa buong mundo. Magiging sabit niya ang katotohanan kung sakaling malalaman niya ito.   Dahil sa pagtutol ni Mrs. Vragus ay hindi na nabigyan ng pagkakataon si Hariet bigyang linaw ang nalilitong isip at damdamin ni Austin at nagpatuloy lamang na mamuhay ng normal.   “Kara kindly hand me over the portfolio of Mr. Smith. I have to familiarize myself about him before we proceed on the negotiation,” pormal na utos ng dalaga sa assistant nitong mas bata sa kanya. Ito ang parehong assistant niya na nagkanulo ng basic informations niya kay Austin Lim noong una itong makabalik sa bansa dahil sa pagigng die-hard fan nito sa nasabing binata.   Siyempre pinagsabihan siya ni Dreanara na huwag ulit hahayaang lumabag siya sa company protocol alang-alang lamang sa isang personal niyang interest. Corporate related facts and informations should remain on the business circle only, and should not go beyond personal use of any Vragus Empire employee.   Binigyan niya lamang ito ng warning. Nangako naman ang asisitant na hindi na siya uulit pa.   “Here it is, Ma’am,” magalang naman nitong ani habang inaabot ang nasabing portfolio na nakapatong sa kanyang lamesa. Kagagawa lamang niya ng report noong isang araw upang bigyan ng paunang pagkilatis ang kanyang boss sa kung sino at anong klase ng tao ang kahaharapin nila sa negosasiyon.   Inabot ito ng dalaga at mabilis na binuklat. Gumalaw ang kanyang mga mata upang pasadahan ang dokumentong nakalagay sa loob ng portfolio folder. Hindi niya mapigilang mapangiti. Very detailed at accurate ang mga nakasulat.   Dahil sa recent na mistake nito sa paglalabas ng personal information ng employer niya sa ibanag tao ay napagpasiyahan ni Dreanara na i-test ito kung karapat-dapat pa ba talaga ito sa posisiyon at trabaho niya bilang kanyang assistant. Pina-investigate niya rin kay Lucas ang kliyenteng si Mr. Smith kasabay ng pagba-background research ni Kara rito.   Naging pareho ang kinalabasan, nagpapahiwatig lamang na ginagawa ng kanyang assistant ang trabaho nito ng maayos kahit papaano.   Maya-maya’y tumunog ang personal na cellphone ng dalaga na nasa ibabaw lamang ng kanyang lamesa. Hiwalay kasi ang personal at business phone niya, pero maging ang personal cp number niya ay alam ng sekretarya sapagkat malapit na silang magkatrabaho. ‘Yun din ang numerong ibinigay nito sa binata noon.   Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang sa kanyang trabaho. Malakas ang kutob niyang galing nanaman ito kay Austin na nagpapaalam kung saang tourist site siya naroroon ganun-ganun.   Ngunit ang unang maikling tunog ng text message notification ay nasundan pa ng mas mahabang tunog ng isang incoming call. Dito na inabot ng dalaga ang kanyang personal phone tsaka tumayo palabas ng veranda ng kanyang opisina.   Ang binata kasi ang tumatawag at mas gugustuhin niyang magkaroon ng kunting privacy habang kausap nito. Ayaw niyang bigyan ng kahit anong ideya ang kanyang assistant sa tunay na estado ng pagkakaibigan nila ng musikero.   Nang makalabas ay mabilis niya itong sinagot.   “Hello,” maikli niyang pambungad. Maririnig sa background ang maingay at magulong tunog ng music beat na animo’y nasa isang bar o club ito.   “Drea… hmmmm just wa-wanna let you he-hear these words that was l-left unsaid that… that night,” putul-putol na ani ng binata gamit ang medyo raspy nitong boses. Halatang nakiinom nito.   ‘Austin, give me your phone. You should not be making a call when you’re in that state,’ ani ng isang background voice sa kabilang linya kasabay ng ilang weird noises na nabubuo kapag gumagalaw ang holder ng phone. Marahil ay linalayo nito ang nasabing cp mula sa kukuha sana.   Ito ang manager ng binata na lumipad pa mula Amerika upang sundan ang alaga nang malamang medyo napapadalas na ang pagbisita nito ng mga bar. Baka biglang manggulo ito at makagawa ng iskandalo, magiging mahirap ang kanyang trabaho sapagkat kakailanganin niya linisin at pagtankpan kaagad ito bago kumalat. Para maiwasan ang pangyayaring ito ay kusa na siyang sumunod ng bansa upang samahan nito.   “You are drunk,” hindi makapaniwalang usal ng dalaga. Ito pa kasi ang pinakaunang beses na tumawag ito ng nakainom sa kanya. He always presents himself noble and gentleman everytime na magparamdam ito paminsan-minsan sa cellphone. Ngayon lamang na makainom itong haharap sa kanya.   Narinig niya ang awkward na paghalakhak ng binata sa kabilang linya. “Just a l-little… little. Don’t worry, babe,” anito.   Bumuntong hininga na lamang si Dreanara. Nedyo dismayado ito sa pag-inom nito pero kailangan niya manatiling composed dahil lasing ang kanyang kausap. Hindi ito open para sa rational na diskurso.   “What do you wanna say to me?” kalmadong pagtatanong ng dalaga rito.   “Ah… hmmm before I say t-those word l-left unsaid that n-night, I… I wanna tell you t-that hmmm… I’m leaving tomorrow night. G-Gotta be back in the US real q-quick…” anito. Ramdam na ramdam ang lungkot ng tonong ginagamit.   “W-wala naman na a-akong da…dapat na ilagi dito sa Pilipinas. I have no fa…family here and definitely n-no one to see here anymore,” dagdag pa nito sabay mapait na tawa ng peke.   Hindi alam ni Hariet kung ano ba dapata ng dapat niyang sabihin. Batid niya ang kabigatan ng lungkot at sakit na nararamdaman ng kausap ngunit hindi niya magawang magbigay ng false hope para i-comfort ito. Alam niyang mas lalo niya lamang pinapahirapan ang sitwasiyon kung magdadagdag pa siya ng panibagong kasinungalingan.   She is not the Dreanara he loved and she cannot give him the love and attention this man is seeking for. Only the real Dreanara can, Hariet can only do nothing if not giving away sweet lies, which is labag na labag sa kanyang kalooban. Hindi biro ang makipaglaro sa damdamin at nararamdaman ng isang tao.   Medyo nagkaroon pa ng kunting weird noises sa background dahil sa paggalaw ng binata. Naglalakad ito papataas ng rooftop ng VIP Club upang magkaroon ng kunting katahimikan. Tahimik na sumusunod na lamang ang kanyang manager.   Ramdam ng binata ang bahagyang pagkahimasmas ng kanyang kalasingan ng dumampi sa kanyang balata ng malamig na simoy ng hangin sa labas.   “Drea…” muling tawag niya ng pangalan ng kausap.   “Hmmm,” sumbat naman ng dalaga at hinintay ang sasabihin nito.   Pumikit si Austin at tsaka inipon ang natitirang lakas ng loob sa kanyang katawan. Alam niyang wala siyang pag-asa sa dalaga pero kahit ganoon ay nais niyang sabihin ang mga salitang halos dalawang taon niya na ring kinkimkim sa kanyang puso.   “I don’t demand any response from you but…” Huminto ito at muling inalala ang napakaganda at matapang na pagmumukha at tindig ng babaeng nakapukaw ng kanyang damdamin noong una niya itong makita sa capitol plaza.   “I love you.”   Pagkasabi noon ay mabilis na pinatay ng binata ang tawag. Hindi niya gustong i-pressure ulit ang dalaga na bigyan siya ng kasagutan. Gayun din na natatakot siyang marinig mismo sa mga labi nito na hindi siya nito gusto, at kailanman hindi niya maibabalik ang damdamin niya.   ***   Sa kabilang banda naman ay natauhan si Hariet. It was at this very moment na na-realize niyang matagal na mali ang desisyong ginawa niya patungkol sa binata.   She cannot lie anymore. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi tamang ipagkait para sa isang lubos na nagmamahal at nagmamalasakit sa tunay na Dreanara ang malaman ang katotohanan at i-clear out na never na hindi naging mahalaga para rito ang damdamin ni Austin.   Only that she is lying six feet under the ground now at hindi niya magawang sabihin ang ‘I love you too’ na pinakahihintay ng binata.   Iniwan ni Hariet ang kanyang ginagawa at mabilis na napatakbo sa opisina ng ina upang pakiusapan ito patungkol sa nais niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD