“Will you make one of my dreams come true, Drea? Will you be my girlfriend?”
Lumagi ang ilang segundo ng katahimikan sa kanilang pagitan habang litung-lito ang isipan ng dalaga. Hindi niya alam kung ano dapat niyang isumbat sa katunungan nito.
Dahil sa hindi agarang pag-respond ng dalaga, dahan-dahang nabura ang mga ngiti sa gwapong mukha ng lalaki. Austin cannot unsee the confused and unsure look on the girl she thought was Dreanara.
Batid niyang hindi naman ganoon ang magiging reaction ng isang tao kung talaga gusto at may nararamdam siya sa taong nagtapat sa kanya.
Ramdam niya ang pagkirot ng kanyang puso na tila ba winawasak ito ng kung anong masakit na damdaming nararamdaman niya sa loob. Ang buong akala niya kasi ay pareho ang t***k ng kanilang mga puso. Ang buong akala niya ay may pagtingin rin ito sa kanya.
At buong akala niya ngayong gabi ay mapapasagot niya ito upang maging pormal na kasintahan. Ang hindi niya inakala, lahat pala ng mga akala niya ay nananatiling mga maling akala lamang, malayung-malayo sa realidad na nasa harapan niya ngayon.
“I…I just hmmm…” pautal-utal na ani ng dalaga na halatang pinipilit hanapin ang sarili nitong boses para himasmasan ang nakikitang sakit at disappointment sa mga mata ng kawawang binata.
Yumuko ng bahagya si Hariet at maingat na ipinataw ang kamay kamay sa isang braso nito. She felt so guilty for making him feel like as if the original Dreanara had never had share the same feeling as his. It is killing her na unintentionally ay nakakasakit siya ng damdamin ng ibang tao sa paraang hindi naman niya sinasadya.
“H-hey… Austin I—”
Hindi na pinatapos ng binata ang sasabihin ng dalaga at tsaka pilit na ngumiti.
‘Maybe, I was just rushing her to say yes. Baka nabigla ko lang siya… o baka hindi pa siya handa sa ngayon. Nakayanan ko naman ng maging patience at maghintay ng ilang taon para sa kanya, ngayon pa ba ko panghihinaan ng loob nang dahil lamang sa isang hindi matagumpay na proposal?’ pangko-console ni Austin sa sarili.
Sa kabila ng nararamdamang sakit at pagkadismaya ay pinilit niyang magpakita ng malaking ngiti. Obligasiyon niya bilang isang lalaki na hindi maiparamdam ang awkwardness sa babae kasama niya.
Kahit na alam niyang may mga matang nakamasid sa kanila mula sa mga sulok at alam niya kung gaano siya nagmumukha tanga at kawawa sa mga ito gayong isa siyang sikat at malaking tao sa industriya ng paggawa ng musika, ngunit hindi niya magawang ma-conscious sa presence ng mga ito.
Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang dalaga. Kung papaano niya ito haharapin matapos ang unsaid rejection, at kung paano niya matatapos ang gabi ng hindi sana sila nagkakailangan.
“N-No, you should not explain, not a single word,” anito sa dalaga habang tinutulungan ang sariling itayo at bumalik sa dati nitong upuan.
Natahimik na lamang si Dreanara at pilit na kinakalampag ang utak upang malaman ang pinaka-wise at pinakamagandang move na gagawin niya sa ganitong sitwasiyon, ngunit nabigo siyang makahanap ng sagot.
Nagpatuluy-tuloy lamang si Austin, sa kabilang banda, sa pagsasalita upang bawasan ang ilang sa pagitan nila.
“I am… I am deeply sorry for ruining this night for us. I mean… I… hmmm should have waited a lot longer before asking you out since you seem rather shocked,” pagtatapat ng binata ng kanyang nararamdaman.
Kahit naman papaano ay may kaunting pag-asa pa ang natitira para sa kanya. Hindi naman kasi as in na final rejection ang nakikita niya sa mga mata ng dalaga, kundi sense of unreadiness at sense of uneasiness. Mas mabuti na ang ganito kaysa naman diretsiyahang tusukin ng isang malaking itak ang kanyang puso.
‘Look Hariet on how badly you make the real Dreanara’s man feel so hopeless and broken on her. Maybe you should have kept the act together. Baka ito talaga ang natatanging paraan para resolbahin ang problemang ito,’ ani ng maliit na boses isipan ng dalaga.
‘P-pero… ibig ring sabihin niyan kakailanganin ko nanamang i-sacrifice ang sarili kong damdamin para lamang sa kagustuhan ng ibang tao?’ medyo nanlulumo namang realisasiyon niya kung sakaling sundin niya ang winiwika ng maliit na boses.
Hindi niya alam… pero sa kritikal na moment na ito ay biglang muling lumitaw sa kanyang isipan ang mga larawan at old memories ng kanyang kasal noon sa Vestria, maging ang maikling oras na nakasama niya si Maxen kung saan hindi niya maitatangging bahagyang nabuhayan ng romansa ang kanyang natutulog na puso.
She frantically shook her head to get rid of all the thought. She is already all mess up caught in this kind of situation tapos dadagdag pa sa concern niya ang patungkol sa lalaking minsan niya ng napangasawa.
“Drea?”
Napabalik sa ulirat ang dalaga nang tawagin ang nickname niya sa binata.
Naging mabilis ang mga pangyayari at tila ba naging malabo na lamang ang pag-iisip ng dalaga. Tumayo ito sa kanyang upuan at tsaka tumakbo sa palabas na pintuan.
Wala siyang pakialam kung may mga restaurant staffs na nakakakita sa kanya, pero ang tanging nais niya lamang ay ang iwasan muna ang lalaki. Hindi niya alam kung gaano pa niya ito masasaktan odi kaya’y mapapaasa kung hindi pa siya umalis ngayon.
Napagtatanto niyang kahit ano naman ang pilian niyang gawin ang sabihin ang totoo patungkol sa kanyang tunay na katauhan, o ang ipagpilitang siya pa rin ang dating Dreanarang nakilala noon, dadalawa lamang ang magiging resulta nito.
It is either he will be shattered by the honest truth, or he will be victimized by a sweet lie. And that particular sweet lie would not only wound him but also Hariet’s own heart.
“Wait! Drea!” rinig niyang pahabol na sigaw ni Austin pero hindi na siya naglakas loob pang lingunin ito.
Mabilis siyang lumabas at sakto namang nasa harapan lang din na naka-standby ang limousine at ang nakaunipormeng driver nito sa side nito. Kahit alam niyang pagmamay-ari ng binata ang nasabing limousine pero hindi pa rin siya nagdalawang isip na gamitin ito para sa pansarili niyang kagustuhan.
She wants to go home. And she wants to do it now.
“Kuya! Please take me home!” halos pasigaw niyang pakiusap kahit hindi pa ito nakakalapit rito.
Nanatiling nakatayo lamang ang driver ng ilang segundo na tila ba hindi tinatanggap ang utos ng dalaga.
“Go on, kuya. You do as she says,” ani ng malungkot na boses ng lalaki sa may doorway ng restaurant.
Nakatayo lamang ito at hidni na nag-atubiling itago ang pagmumukha niya kahit na alam niyang baka may paparazzi na maaaring kumuha ng kanyang litrato sa labas. He just couldn’t bring himself to worry about his image when the girl of his life, whom he dedicated all his success was literally running away from him. This alone is already crushing his core kaya kung sakaling may magli-leak na iskandalo o issue niya sa mga media outlet, balewala na lamang ito kumpara sa nararamdaman niya ngayon.
Kahit hindi lumilingon ay ramdam ng dalaga ang bigat at sakit ng nararamdaman ni Austin. At hindi niya halos matanggap na siya ang may dahilan ng pasakit na ito sa kanyang kapwa. Nagsimula ng pumatak ang mga likido ng kalungkutan sa kanyang mga mata. Sobra siya nagi-guilty.
Tahimik niya lamang na binabato ng nangungusap na mga mata ang driver para ihatid na siya nito pauwi.
Dahil sa naging utos ng binata ay mabilis na binuksan ng driver ang pintuan ng limousine upang makapasok sa loob ang dalaga, at tsaka umikot sa harapan upang umupo sa driver’s seat at paandarin ito.
Patuloy lamang ang pagbagsak ng mga masasaganang luha ni Dreanara na halos Mabasa na niya ang pantaas ng kanyang dress.
Nang makarating sa bahay ay agad-agad itong tumakbo sa kanayng kwarto at nagkulong. Patuloy pa rin na umiiyak at patuloy pa ring naguguluhan kung anon ga dapat ang kanyang gagawin.
Hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog na pa siya…