Kabanata 53

1183 Words
“The day was warm as my voice resounds, Standing in front holding a mic Just another normal day, I guess it was ‘Til you appear right from the crowd Caught my eye, you stole my heart…”   Mga unang liriko ng kanta ng binata habang muling inaalala ang pinakaunang pagkakataong makita niya ang dalaga.   Austin is sure a worldclass singer. Hindi biro ang ganda ng kanyang boses. Malamig at nakakagaang pakinggan. But what is actually more appealing is the emotion and honest feelings his melody, his facial expression and body language are expressing.   Damang-dama sa tono ng boses nito ang naguumapaw na sinceridad ng lalaki. Animo’y lahat ng salitang lumalabas sa kanyang bibig ay literal na diretsang nanggagaling sa kaibutaran ng kanyang puso.   Nagpatuluy-tuloy ito sa pagkanta habang tahimik lamang na nakikinig ang dalaga.   Dahan-dahan ay umiiba ang tempo ng kanta hanggang sa makarating ito sa chorus kung saan nagsisimula ng maglakad ang binata patungo sa kinauupuan ng dalaga.   “Wanna held your hand but could not For a peasant boy who doesn’t have much From afar I love you sincerely Hoping in my heart I’ll gonna tell you so The thing I always cower to speak…”   Titig na titig ang malalamlam at mapupungay na mga mata ni Austin sa dalagang inakala niyang ang tunay na Dreanarang minsan na niyang nakilala, minahal at patuloy na minamahal magpasahanggang ngayon. Wala pa ring pinagbago sa kabila ng mga nakalipas na panahon.   Hindi naman alam ni Hariet kung ano ba dapat ang maramdaman niya. Aminado siyang sobrang romantiko at nakakatunaw ng puso ang ginagawa ng lalaki sapagkat sino ba namang babae ang hindi gugustuhing kantahan ng kanilang mga kapares.   Sa kabila nito, hindi niya magawang kiligin at ma-touch by it kasi hindi naman kasi talaga ito para sa kanya. Alam niyang ang kantang iyon ay nararapat para sa ibang tao. And for the first time ever since she started playing the role of the rich heiress’s life, Dreanara Iris’s life, she felt so defeated and unable to continue faking her identity.   Oo nga at tila ba parang naging madali na lamang sa kanya ang gampanan ang katauhan ng nasabing heredera sa harap ng napakaraming tao, particular na ang mga miyembro ng Vragus Family at mga empleyado ng Vragus Empire na nakakasama niya sa trabaho; ngunit iba talaga ang pagpapanggap na kailangan niyang gawin ngayon.   Hindi lamang isang simpleng pagpapanggap ang nakasalalay rito. It is because now involves feelings and romantic emotions that cannot just be forced into someone’s heart to feel right away or maybe kahit makailang training pa ang gawin niya.   Hariet cannot just simply reciprocate the burning and intense sincere love that the man, who is singing in front of her, as much as the real Dreanara would. Hindi niya matuturuan ang kanyang puso. Kung wala itong espesya na nararamdaman para rito, wala talaga siyang mararamdaman.   At konsensiya na rin niya na pati ba naman sa ganitong bagay ay kakailanganin niyang angkinin mula sa tunay na Dreanara. It’s just so not fair according to her opinion.   Dahil sa gulung-gulong isipan ay hindi halos nakapagpakinig ang dalaga ng maayos sa kanta.   And before she knew it… the song is nearing its end and a big surprise is about to follow…   Bumalik mula sa chorus ang kanta at as usual kuhang-kuha pa rin ng binata nag mga tamang nota.   “Wanna held your hand but could not For a peasant boy who doesn’t have much…”   Habang kinakanta ang chorus ay lumapit ang waiter na may dala-dalang isang malaking bouquet of roses. Kaagad itong inabot ni Austin at tsaka ibibigay sa dalaga.   Kahit medyo litung-lito at hindi pa sigurado kung ano ba talaga ng dapat niyang gawin ay tinanggap ni Dreanara ito. Isa itong bouquet ng pure red roses. At pinaniniwalang may mga sariling lengwahe ang mga bulaklak. Halimbawa ang mga pulang rosas ay simbolo ng pag-ibig at pagnanasang makasama ang taong pagbibigyan mo bilang isang ka-partner.   Kahit na NBSB at walang ka-expe-experience sa ganitong mga romantikong mga bagay sapagkat wala siyang ni isang naging kasintahan noon ay alam pa rin nito ang patungkol sa tunay na pagpapakahulugan ng pagbibigay ng pulang mga rosas.   Lalong lumakas pa ang namumuong kaba sa kanyang puso. Literal na bumibilis ang t***k ng kanyang puso na tila ba may mga naguunahang mga kabayong tumatakbo rito.   ‘Pa’paano na lamang kapag bigla itong magtapat ng damdamin ngayong gabi? Gosh! Ano kaya ang nararapat kong gawin? Ugh! Bakit hindi ko ito napaghandaan kanina? Now, I am being so confused on what to do. Ang akala ko kasi ay hindi magiging ganito kabigat ang magiging takbo ng dinner date na ito at wala ng iba. But my wrong guess led us to this problem….’     Inulit muli ng binata ang chorus ng kanta ngunit ngayon ay mas nagiging mabagal na ang tempo, senyales na malapit na itong matapos.   “Wanna held your hand but could not For a peasant boy who doesn’t have much…   Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang dahan-dahang lumuhod ang binata sa kanyang harapan. Hindi pa rin napuputol ang diretsong tingin sa kanyang mga mata.   “Wa…Wait. What are you doing?” hindi mapigilang tanong ni Dreanara na hindi halos makapaniwala sa nakikita.   Ngumiti lamang si Austin at patuloy na tinatapos ang kanta.   “From afar I love you sincerely Hoping in my heart I’ll gonna tell you so The thing I always cower to speak…   Nang akala na ng dalagang tapos na ang kanta dahil sa mahabang silence interval simula ng binitawan nito ang huling salita sa liriko ng kanta ay doon naman muling bumuka nag bibig ng binata upang dagdagan ng isa pang panghuling linya ng kanta.     Today I gotta ask your hands Please be mine and mine alone…”   Ito ang dagdag liriko ng binata bilang pagtatapos ng kanta.   Halata sa mga mata ng mga staffs na nasa gilid na gulat na gulat sa sobrang ka-sweet-tan ng Holywood Singer.   At bago pa man makapag-react pa si Dreanara ay mabilis na inilabas ng lalaki ang isang maliit na kulay pulang box na kinalalagyan ng 24-carrat gold and rare diamond gem ring para rito.   Kung mas may ilalaki pa ang mga mata ng dalaga ay malamang kanina pa siya naging isang owl dahils a sobrang pagkagulat. She was so overwhelmed on what is happening.   Bumukas ang box at kaagad na kuminang ring na nasa loob. Kasabay nito ay ibinuka ni Austin ang kanyang bibig upang sabihin ang tanong na noon pa niya dapat gustong gawin ngunit di niya nagawa.   “Will you make one of my dreams come true, Drea?” panimula nito. Malumanay at mabait ang tono ng boses nito. “Will you be my girlfriend?” tanong nito.   Halos mabagsakan ng langit at lupa ang pakiramdam ni Hariet. Batid niyang wala pa siyang nabubuong desisyon sa kanyang sarili. Kung paninindigan ba ang kasinungaling napasok niya at gawin ang pasyang tiyak na pipiliin ng orihinal na Dreanara kung nabubuhay pa ito, o kung aaminin niya ang totoo.   Her mind is still confused. And she doesn’t know what the freaking hell should she say now.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD