Kabanata 52

1719 Words
Mabilis na lumipas ang oras hanggang dumating ang oars ng pakikipag-dinner date ng dalaga sa manliligaw nito ng dalawang taon.   Nagsuot siya ng mesh nude one shoulder long dress na may mermaid tail ang cut. Itinali rin niya sa isang maayos na bun ang kanyang blonde na buhok habang nagtira ng kunting hibla sa magkabilaan niyang mukha.   Kahit na medyo kinakabahan sa pinakaunang pagkakataon na makita ang manliligaw ng tunay na Dreanara ay pilit siyang nagpakatatag upang gampanan ng maayos ang kanyang pagpapanggap.   Malayo na ang kanyang narating bilang impostor ng tunay na Dreanara at hindi niya ito gustong itapon na lamang sa basura dahil lamang sa isang lalaki. She has to be carfeul around him. She should not allow him to have even the slightest suspicion at all.   Paglabas niya ng bahay ay may nakaparada kaagad na isang itim na limousine. Nakabukas ang pintuan at sa paanan nito ay nakatayong ang isang matangkad at gwapong lalaki na nakasuot ng itim na tuxedo at kulay pulang na bowtie sa kanyang leeg.   Kamukha nito ang nasa litrato sa bookbind na binabasa ng dalaga kung kaya mabilis niyang na-gets na ito si Austin.   “Good evening, my lady. I never thought someone could be more beautiful than you are in your casual wear, but I guess I am wrong. You look at lot more gorgeous in that beautiful peach dress I personally picked for you. You look like a goddess,” mahabang ani ng binata na abot hanggang langit ang mga ngiti. Ang mga mata rin nito ay nagningning sa sobrang kagalakan.   ‘Gosh! He is so damn cute and irresistible. Hindi ko na masisisi ang tunay na Dreanara na magkagusto sa ganitong tipo ng lalaki,” hindi niya maiwasang komento sa kanyang isipan.   “You look handsome too,” pagtatapat rin naman ng dalaga na aminadong hindi maiwasang mamula ang pisngi dahil sa lantarang pag-compliment sa lalaki. Hindi kasi talaga siya sanay sa ganitong mga bagay. Wala siyang masiyadong experience sa pakikipag-date sa isang lalaki. ‘Calm down self. You just have to act normal as you are and talk with him a bit. That’s all you need to do. Since isa naman itong Holywood star, given na babalik muli ito sa Amerika matapos ang maikling stay dito sa Pilipinas.’ Until then, she will stick with the set up na manliligaw niya ito.   Inilahad na ng binata ang isa niyang kamay upang hingin ang kamay ng dalaga at tulungan itong makapasok sa loob ng sasakyan.   “May I?” gentleman nitong sabi.   Ngumiti naman si Dreanara at hinawakan ang nakalahad na kamay nito at tsaka pumasok sa loob. Sumunod rin ang binata sa kanya at isinara ang pintuan ng kotse.   Malawak ang loob ng limousine ate may mga makakapal itong mga kulay maroon mga kurtina na pinalamutian ng mga gold-colored ornaments sa mga laylayan nito. May sarili ring tagamaneho ang nasabing sasakyan. At hindi lamang ito basta-bastang tagamaneho lamang sapagkat nakasuot rin ito ng maayos na tuxedo kagaya ng kanyang amo.   May mga rose gold petals rin ang nakakakalat sa may black carpeted floor ng sasakyan. Ramdam na ramdam ng dalaga ang sobrang pagiging romantiko ng hangin sa loob.    Magharap silang magkaupo sa magkabilaang pahabang upuan. Halatang medyo na-a-awkward-dan dilang dalawa sapagkat halos sa text at tawag lamang sila nagkaroon ng komunikasiyon at hindi talaga sa mismong physical na pag-uusap.   Tumikhim ang binata upang patayin ang nakakabinging katahimikan sa kanilang dalawa.   “Ahem.”   Napatingin naman si Dreanara sa mukha nito. Aminado kasi siyang nagkakahiyaan silang dalawa. At hindi na rin ganoon kasigla ang pakikipag-usap ng binata sa kanya kumpare noong nag-usap sila kahapon sa tawag.   Dito pa lamang ay naintindihan na ng dalaga na marahil ay hindi nagkaroon ng maraming pagkakataon ang tunay na Dreanara at ang binatang makapag-usap ng harap-harapan sapagkat pareho silang mga busy na tao. Isang heredera ng Vragus Empire, at isang world known music star.   “Did you like the dress, Drea?” pagtatanong ni Austin sa liniligawan.   “There beautiful,” maikling sagot ni Dreanara. Saktong-sakto ang sukat nito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung paano nito nahulaan ng maayos ang body dimensions niya pero may kutob siyang kumunsulta nanaman ito sa kanyang sekretarya na die-hard fan ng lalaki.   “I’m glad you like it.” Nakangiti pa rin si Austin.   Matapos ang maikling usapan ay nanatiling tahimik ang kaunting oras ng pagbiyahe hanggang sa marating nila ang isang mamahaling restaurant na malapit lamang sa capitolyo ng siyudad. Ito ang parehong mamahaling restaurant na kinainan nila ng Amerikanong producer na nagpabago ng kanyang buhay.   Nakabukas ang ilaw nito sa loob sa kabila ng mga nakababang mga kurtina upang i-conceal ang loob ng nasabing restaurant sapagkat full glass wall kasi ito.   Rinentahan ng binata ang buong lugar para sa espesyal na gabi para sa kanilang dalawa. Pinasadya niya rin ang mga kurtina para magkaroon sila ng privacy at gayun din ay maprotektahan ang kanilang mabubuong relasiyon mula sa mga paparazzi at mga media personalities na maaaring maglantad sa publiko patungkol sa kanilang dalawa.   Siyempre gusting-gusto niyang isigaw sa buong mundo ang kanilang pagmamamhalan kung sakaling ibigay na ng dalaga ang inaasam-asam niyang matamis na oo; ngnit bago pa man iyon ay nais niya munang tanungin ito kung okay lang ba sa kanya na gawing public ang samahan nila o panatilihin na lamang itong pribado.   He simply doesn’t want to push his girl to something na hindi pa niya nadi-discuss rito. He values Dreanara’s feelings and opinions on matters more than he values his own.   Kahit na sikat at mayaman na ay nagkusang loob si Austin na buksan ang sasakyan at bumaba upang alalayan ang dalaga.   “If you may again, my lady,” nakangiti pa rin nitong ani habang inilalahad ang kamay.   Kahit naman papaano ay hindi maiwasang matunaw sa saya si Dreanara sa loub-looban nito. Sobra kasing sweet at consistent ito. Sino kayang babae ang hindi kikiligin sa isang gwapo, matipuno, sikat, at napaka-gentleman na lalaki?   Maging sino pa atang tibo ay mapipilitang maging babae muli sa harap ng ganito ka-full package na lalaki.   Malugod na tinanggap ni Dreanara ang kamay nito at tsaka bumaba.   Pinahugis tatsulok ng binata ang kanyang kanang braso at kaagad na kumawit ang isang braso rin ng dalaga rito. Naglakad na sila papasok at literal na namimilog ang mata ng dalaga sa sobrang garbo at gara ng mga oinasadyang decorasiyon para sa date nila.   May isang lalaking nakasuot ng kulay putting uniporme ng isang propesyunal na musikero ang kaagad na sumalubong sa kanilang dalawa. Nakatayo lamang ito sa may gilid sng nag-iisang lamesa na inilagay sa gitna ng malawak na dining hall. Nagsimula lamang itong tumugtog nang maglakad na rin papasok ang dalawa. Isang classical soothing music piece ang tiutugtog nito.   Mabilis na ipinanghila ng upuan ni Austin si Dreanara na siya namang malugod na tinanggap ng dalaga at sinuklian ng malaking ngiti.   Umikot siya sa opposite side nito upang harapin ang dalaga. Ipinitik nito ang kamay sa ere at kusang nagsidatingan ang mga nag-overtime na waitress upang mag-serve ng pagkain. Isang medium rare wagyu beef steak at imported na red wine.   Halos maiyak sa sobrang kagalakan ang binata nang makita gamit ang kanyang mga mata ang mga bagay na noon ay hindi niya kayang maibigay sa dalaga ngunit ngayon ay barya na lamang sa kanya. It feels so fulfilling on his part.   Lahat ng pagod, hirap, puyat at sakripisyong kinailangan niyang gawin para lamang sumikat at yumaman para maging karapat-dapat sa dalaga ay naging all worth it ngayong kaharap niya ito. At parehong nakatayo sa magkaparehong mataas na estado sa lipunan.     “I ordered a medium rare steak since you said it’s your favorite,” malambing na ani ng lalaki.   ‘Oh, right. It was mentioned in the bookbind as Dreanara’s favorite.’ Muntik na itong makalimutan ni Hariet.   Kumain na sila at nagsimulang magkwentuhan ng mga bagay-bagay. Siyempre, ginamit muli ni Hariet ang script nil ani Mrs. Vragus na nag-aral siya sa New York at nag-maintain ng low profile kaya hindi siya masiyadong active sa internet.   Nagtatanung-tanong rin naman siya sa lalaki upang i-divert ang usapan mula sa kanya patungo sa kausap. Mas magiging safe kasi si Hariet kung hindi siya masiyadong magbanggit lalo na ng mga bagay na hindi niya alam.   Mabuti na lamang at magaling siyang makipag-usap at makipag-areglo sa mga naging kliyente niya sa kumanya kung kaya nahasa ang kakayanan niyang i-contol oang flow ng usapan para hindi siya malagay sa hot seat o mahirap na sitwasiyon.   Sa huli, napilitang muling isalaysay ng binata ang mga napagdaanan nito at mga pagsubok na naranasan niya bago pa man siya maging successful.   Dahil ito ang pinakaunang pagkakataong marinig ito ni Dreanara sapagkat hindi ito nakasulat sa bookbind na binabasa niya, hindi niya maiwasang maantig sa nakaka-inspire na kwento ng lalaki.   Ang akala niya kasi ay isa lamang itong sikat na sikat at mayamang binata dahil sa successful music career nito sa Holywood. Hindi niya in-expect na sa kabila ng tumataginting at kumikinang nitong tagumpay ay ganoon pala ang pinagdaan niya bago pa man siya makarating sa kung saan man siya ngayon.   “Oh, enough about me, Drea. Let’s hear about your stories too. I’ve heard that you’ve also been successful in the company,” pagbabalik ng spotlight ng binata sa dalaga nang mapagtantong parang palagi na lamang na siya ang nagsasalita.   ‘Alright, I should be fair and talk about myself too. Mabuti na lamang at ang tinatanong niya ay patungkol sa recent at present situation na alam na alam ko since ako mismo ang naka-experience.’   Ikinuwento naman ng dalaga ang mga naging ganap sa buhay niya sa trabaho… ang mga patungkol sa mga kilyenteng naka-transact niya hanggang sa i-promote siya ng kanyang lolo sa pangalawang mataas na posisyon sa kumapanya.   Saktong natapos sila sa pagkwekwentuhan nang matapos rin silang kumain.   Dito na pumasok ang ilang mga staffs na may hawak na stool na upuan na may pagkakawitan ng paa sa ibaba at isang guitara.   Inabot ito ng binata at tsaka umupos sa stool na upuang idinala na perfect para sa mga maggui-guitara.   “Here me out, Drea… This is the song I personally wrote for you and it’s a summary of how much feel about you for more than two years now,” buong puso nitong sabi bago mag-start na mag-strum sa hawak na guitara.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD