Kabanata 45

3810 Words
Mabilis na natapos ang dinner at napagpasiyahan nila Mrs. Leonara Vragus at Dreanara na umuwi na. Halata rin kasing pagod na ang chairman. May edad na rin ito pero wala pa ring ipinagbago sa style ng pagtatrabaho kung kaya naman ang katawan nito ang nahihirapan.   “Grandpa, we’re going home na po para makapagpahinga ka na po,” magalang na pamamaalam ni Dreanara na sinabayan naman ng ina.   “Dreanara is right, father. It not good for your age to stay up late at night. We need to go,” dagdag ng ginang.   Napahikab ang matanda, senyales na dinadalaw na rin talaga ito ng antok.   “I wish to talk bit longer with my apo but I don’t think this oldie can handle to stay awake for much longer,” anito sabay mahinang halakhak.   Nagsitayuan na ang dalawa at yumuko bahagya bilang respeto sa pinakaulo ng kanilang angkan. Bago pa sila tuluyang umalis ay muling nag-iwan ng mabigat na salita ang matanda.   “Seal the deal with that VVIP client, Miss Montemayor. Besides, I expect nothing less from Emiliano’s daughter!”   Ngumiti si Dreanara.   “Yes po, grandpa.”   ‘Gosh! Iba talaga ang pressure ng pagiging nag-iisang anak ng isang Emiliano Vragus. Kailangan ko siyang maging kasinghusay.’ Hindi maiwasang mapagtanto ni Hariet kung papaano kaya talaga hina-handle ng tunay na Dreanara ang ganitong napakataas na expectations sa kanya bilang isang lehitimong apo ng isang makapangyarihang pamilya.   Kasabay ng thought na ito, hindi niya rin maiwasang mapa-wonder. Paano naman kaya siya? Maha-handle rin ba niya ng maayos ang napakalaking pressure at obligation na ngayon ay nakaatang sa kanyang balikat bilang kapalit ng yumaong heredera?   Hindi niya rin alam ang kasagutan. Maaring panahon na lamang ang makapagsasabi.   Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang bahay. Bahay na halos kakarampot lamang sa malapalasiyong mansiyon na pinaggaling nila. Sa katunayan ay hindi pa nga talaga nalibot ng dalaga ang kabuuan ng napakalaking Vragus Mains House na iyon. At kung gagawin man niya, sa tingin niya ay aabutin siya ng sobrang kalahating araw, iyon ay kung magiging malakas pa ang kanyang mga paa na maglakad-lakad matapos ang ilang oras na pag-iikot.   Mabilis niyang ginawa ang kanyang night routine – ang paghilamos at paggagawa ng skin care routine. At kaagad na nakatulog sa pagod.   ***   Kinabukasan aya nagising siya ng maaga. Hindi niya rin alam ngunit tila ba naging excited ang body clock niyang simulan na ang araw lalo na’t mayroong siyang importanteng trabaho na dapat gawin. Ang trabahong ito ang magtatakda kung ire-recognize kaya ng lolo niya ang kakayahan niyang magmana at magpatakbo ng isang napakalaking kumpanya.   Matagumpay niyang naagaw ang oportunidad na ito na patunayan ang sarili mula sa kanyang tiyuhing si Jackson kung kaya naman kinakailangan niya talagang magtagumpay. Kung hindi… ay maaari nanaman nila itong gamitin upang siraan siya sa chairman.   Hindi na bumabata ang matanda, at maaring bukas o kinabukasan ay may masamang mangyari rito. Hindi naman sa ipinapanalangin ng mga kapamilya nila ang ganitong bagay, ngunit mas mabuti na rin ang nakahanda kung sakali mang dumating ang oras na ito.   Tiyak na magkakagulo sa hatian ng kayamanan at ari-arian ng matanda ang matitirang pamilya nito. Upang maiwasan itong mangyari, mas mabuting magkaroon na ng malinaw na ‘will’ ang matanda. At hindi naman ito basta-basta na lamang magtatalaga ng susunod na maging chairman ng kumpanya kung hindi pa niya nakikita ang tunay na kakayahan ng mga posibleng magmana ng kanyang posisyon.   Hindi maikakaialang naiipit siya sa dalawang choices – between sa kanyang apo at sa anak niya sa labas. Either sa dalawa ay pwede niyang piliin. Though, legally speaking that ay si Dreanara ang magiging heredera ng Vragus Empire, at ito ang orihinal na plano ng matanda. Ngunit bago siya magbigay ng final na pasiya ay kailangan niyang tignan kung karapat-dapat ba ito.   Matapso mabilising gawin ang kanyang morning ritual ay bumaba na sa hapagkain si Dreanara upang mag-almusal. Sakto namang nandoon rin ang in ana kasalukuyang kaumakain na para pumasok sa trabaho.   “Oh, good morning, darling! Ba’t ang aga mo naman ngayon?” pambungad na bati at tanong ng ginang. “Come on and join me for breakfast,” masayang paanyaya pa ito.   “Sure, mom. I was actually down here for food since I will be very busy this day,” sagot ng dalaga bago saluhan ang ina sa mahabang lamesa.   Lasap na lasap niya kaagad ang mabangong aroma ng butter sa nilutong bacon. Mayroong ring mga hotdog, itlog at sausace na nakahain. Medyo marami-rami ito para sa kanialng dalawa lamang. Ito ay dahil ang mga matitira ay uulamin rin ng mga kasama nila sa bahay. Isa ito sa magandang katangian ng bahay nila. Kung ano ang kakainin ng mga amo, siya rin ang kakainin ng mga katulong, hardinero, driver, at family security guard.   Nagsimula na ring smagsandok ng kanin at ulam si Dreanara papunta sa kanyang plato.   “So, how was your night, darling?” tanong ng ginang.   “It was a good one actually, mom. And I’m really looking forward in meeting Miss Montemayor after a thourough background checking I guess,” sagot ng dalaga.   Napangiti naman si Mrs. Vragus na marinig ang magandang plano ng dalaga. Hindi lamang ito basta-basta na lamang makikipagtransaksiyon sa isang kliyente ng hindi pa inaalam ang personalidad, hobbies at mga mga important details patungkol rito. Isa itong kritikal na step upang makasiguradong magamit ang mga tamang salita at offer upang mapapayag ang isang kliyente.   “And speaking of, mom. Can you introduce me to that black suit guy who handed you a confidential report to you last time?” pagtatanong ng dalaga patungkol sa lalaking nag-conduct ng investigation sa mga Fernillo family kaugnay sa pagkawala niya ng halos siyam na buwan.   Halos mabulunan naman ang ginang sa naging tanong nito. Alright, nakalimutan niya pa lang ipakilala sa dalaga ang tila ba man in shadow ng bahay nila – si Lucas. Isang dating NBI agent na nagretiro sa trabaho upang pagsilbihan ang pamilya ni Emiliano Vragus. Kilala dapat ito ng tunay na Dreanara sapagkat matagal na itong naninilbihan sa kanilang pamilya, at sa naging tanong ng dalaga ay lumalabas na hindi niya ito kilala.   May dalawang kasambahay pa man din ang nasa malapit at nakarinig nito.   Itinaas ni Mrs. Vragus ang kamay at sinenyas na iwan silang mag-ina sa hapagkain na kaagad naman nilang ginawa.   Dito lamang napagtanto ng dalaga na maaring may nasabi siyang hindi tama.   ‘Shoot! Am I in trouble?’ tanong niya sa sarili.   Halata sa mukha ni Dreanara ang pag-realize niya na may something wrong siyang nagawa kung kaya naman kaagad siyang binigyang linaw ng ina.   “Dear heavens! That was close,” komento nito habang nakakahinga na ng maluwang. In-explain niya sa dalaga ang mga imporasiyong dapat niyang malaman patungkol sa black suit guy na nakita niya noon.   “His name is Lucas and he served for the family in the shadow. He’s almost nowhere to be seen since he works on the basement by monitoring the CCTV footage of the house to ensure everything is going all safe and secured. Your father always feels anxious and uneasy since lumipat tayo ng bahay kung kaya naman siyang nag-hire ng ganitong on time na nagmo-moniter ng CCTV footage dito sa bahay,” mahabang pahayag ng ginang bago sumubo muli.   Pagkalunok ay nagpatuloy siya.   “But Lucas can also do some investigation works when we want to just like the last task, I gave him. That investigation in your old family,” pagpapatuloy nito.   Nakaramdam naman ng kunting kurot sa kanyang dibdib si Hariet. Kahit anong pagtatapang-tapangang gawin niya ay hindi niya rin talaga maaari na lamang tanggalin ang sakit sa kanyang dibdib ng ganun-ganun na lang kadali. Halos buong buhay niya sa pamilyang iyon umikot ang kanyang mundo.   She forces the negative thought at of her mind upang ipaalam kay Mrs. Vragus ang kanyang tunay na pakay sa pagtatanong.   “So, does that also mean I can mobilize him to do some investigation for me as well, mom?”   Tumango naman ang ginang. “Of course. Both you and I are equally empowered to give orders to him.”   Ngumiti si Dreanara. Everything is going according to how she planned it.   “Alright, then I should let him personally investigate Miss Montemayor and acquire useful facts about her while I stay up here at home and conduct my own research via her social media accounts,” paglalatag ni Dreanara ng kanyang plano.   “That was a brilliant move, darling. I wish you all the best on the transaction. Just one piece of advice, you should move faster para hindi ka mahuli o di kaya’y maunahan ng iba. That’s one of the important things to consider in the competitive business world – the speed. You should act faster than your competitors,” mahabang paalala ng ginang bago tumayo at tumungo sa sink upang mag-toothbrush at pumasok na sa trabaho.   “I’ll get going now, darling,” pamamaalam ni Mrs. Vragus matapos ang pahapyaw na retouch niya ng kanyang work makeup. Bilang isang kabahagi ng pamilyang Vragus, kinakailangan niyang mag-appear na proper at professional everytime na lalabas siya sa bahay.   Bumaba na rin sa may basement si Dreanara upang personal na ibigay ang instruction kay Lucas patungkol sa ipapagawa niya rito. Walang tutol naman itong tinanggap ng lalaki at magalang na nagpaalam upang simulan na ang kanyang trabaho.   “Consider this done, Young Miss,” seryosong sagot ni Lucas. Hindi pa rin mawawala sa mukha nito ang pagiging seryoso at professional. Base sa itsura at pangangatawan nito ay nasa mid-thrity’s na siguro ito. Katamtaman ang laki ng katawan ngunit mapapansin mong tigasin ang mga braso at binti, senyales na nakapag-undergone ito ng mga extreme physical trainings. Gayun din ay napapanatili nito ang katawan sa pamamagitan ng paggy-gym.   “Oh, before I forgot. Can you make a report around 3 PM or 5 PM? Sorry for the rush, but I just need to act really fast,” dagdag ng dalaga. Inaalala niya kasi ang payong iniwan sa kanya ni Mrs. Vragus bago nito lisanin ang hapagkain kanina.   Dahil sanay at eksperto na sa field ng pag-iimbestiga ay hindi na magiging mahirap para sa lalaki ang pinapagawa ng amo.   “That is noted, Young Miss,” tanging sagot nito sabay yuko. “I’ll get going to work, Ma’am,” anito bago naglakad sa harap ng isang malaking computer at nagsimula ng mag-conduct ng paunang search upang i-locate ang indibidwal na pinapaimbestiga ng dalaga.   Seeing she can not do anything significant in the room anymore, Dreanara walk out of it and back to her room.   Since this is her task, she should also bear the weight of the investigation of the client she will be dealing with.   Mabilis niyang binuksan ang kanyang laptop at tsaka nag-type ng buong pangalan ni Miss Montemayor na nakuha niya sa email report patungkol sa basic information na nakalap ng Vragus Empire kaugnay sa nasabing client at probable investor ng kumpanya. Eva Mira Montemayor.   “Yey!” Parang batang snapahiyaw sa saya si Dreanara sa paglabas ng pangalan ng nasabing dalaga nang i-type niya ito sa search engine ng kanyang laptor browser. Una niyang binuksan ang unang link na lumabas at nagsimula ng magbasa, mag-scroll, at kilatisin ang uri ng indibidwal ang nasabing dalagang hinahabol ng kanilang kumpanya upang mag-invest.    Sa isang article na nabasa niya ay nakalagay ang lump sum amount of money ng minana nito mula sa napakayaman nitong ama sa probinsiya. Halos malula siya sa tumataginting na Php 250 million na halagang nakuha nito. As in na literal na pera at hindi halaga ng mga ari-arian.   Considering na magagasto niya kaagad ang one-third amount nito upang bumili ng sariling lupa, bahay at mga kagamitan, malaki-laki pa rin ang matitira. And since pera ito, either na iiwan niya ito sa bangko o ii-invest niya ito sa mga kumpanya upang magkaroon ng stable source of income.   Sa laki ng kanyang pera, maari siyang maging major stockholders kapag nalagay niya sa tamang kumpanya ang kanyang pera. Ngunit sempre, malaki rin ang risk ng pag-invest sa mga kumpanya sapagkat kapag malulugi ang kumpanyang pinag-invest-han niya, imbes na lalaki ang kanyang pera ay liit pa ang value nito.   That is why for a big-time investor like Miss Montemayor, it would be wise na sa isang malaki at stable na kumpanya niya i-invest ang kanyang pera para mas masiguradong mababa ang chance na mabangkarote ito at madamay ang kanyang pera.   Nagpatuluy-tuloy pa sa pagre-research ang dalaga patungkol naman sa lifestyle nito sa personal social media nito. It was a good thing na naka-public ang wall nito at malaya siyang nakaka-view sa mga posts nito.   It may seem as an unnecessary move, pero it was actually a powerful move. People nowadays tends to overshare almost everything about them, their likes and dislikes, hobbies and favorite places on social media. And from the looks of it, hindi maiwasang makabuo ng impression si Dreanara sa kung anong klaseng tao si Eva Mira Montemayor, ang pinaka-first client na iha-handle niya.   “Gotcha, Miss Montemayor!” masaya niyang ani nang mapagtantong tila ba nahihinuha na nito ang timpla ng dalaga.   Most of her relevant photo posts are mostly out in the beach or inside a club. Isa itong extrovert na klase ng tao. She loves having fun and it would be fair to say she is living a fast-pacing happy-go-lucky life. Using the negative term, she is obviously a spoiled brat who spend all her wealth on things she considers fun.     Sa kabila ng pagdiriwang niyang ma-figure out ang personalidad ng kanyang kliyente, hindi niya maiwasang mapahalumbaba.   ‘Ugh! Bakit naman of all ng mga maaring maging pinakaunang kilyente ko ay bakit naman kailangang ‘yung opposite ko pa?’ Despite her appearance as a fierce and bold heiress, hindi pa rin niya agad-agad mababago ang tunay niyang introvert nature bilang si Hariet Fernillo.   ‘Oh, come on now self! Nakaya mo ngang makipagsosyalan sa engagement party ng iyong kapatid. Plus, you also managed to keep up with the sadistic, fake and manipulative attitude of Estrella Vragus. Why would you say you cannot about this one when you already did on other things?’ panghihikayat ng maliit na boses sa kanyang isipan.   “Alright, then. If I managed before, I can also manage it now.” Sa wakas ay nagawa niyang makumbinsi ang sariling maniwala sa sariling kakayahan.   Napabalik siya sa ulirat nang biglang tumunog ang kanyang selpon. May tumatawag sa numero niya. Iilan lang naman ang nakakaalam ng number niya. Ang mga kasamahan niya lamang sa kanilang bahay at siyempre maging ang kanyang lolo Dmitri.   Tinignan niya ang screen at nakita ang pangalan ni Lucas. Nagpalitan kasi sila ng numero kanina in case na may emergency na mangyari at kakailanganing mag-report agad-agad ng lalaki sa dalaga.   Mabilis niyang si-swipe ang green icon upang sagutin ito.   “Hello, Young Miss. I have an urgent thing to say,” bungad ng tigasing boses ni Lucas sa kabialng linya.   “Speak,” maikling sagot ni Dreanara. Ramdam niya ang tila ba pagtaas ng adrenaline level sa kanyang katawan. Sino naman kasi ang hindi maku-curious kaagad kung sabihin ba namang may ‘urgent thing to say’ sayo ang taong iyong inutusang mag-imbestiga in your behalf?   “I was only tailing up the client here in one of the city’s luxury clubs for about an hour now when a car limousine came to pick up her. That same limousine car was a rental car in the Vragus Empire Hotel.”   Ramdam ng dalaga ang lalo pang pag-igting ng curiousity sa kanyang sistema. “Where did the limousine go then?” hindi nito mapigilang matanong agad-agad.   “That’s the problem here, Ma’am. The limousine seems like heading towards the border between Bronton and Vestria, assuming with all her luggages and belongings from the hotel since they have to use a long and spacious limousine car and not an ordinary car,” pahayag ni Lucas.   “I’ve already contacted the manager in the hotel to confirm if Miss Montemayor indeed check out already. I’m still awaiting his reply and called you immediately knowing that this might be an important matter with regards to your original plan,” mahabang paliwanag nito.   Hindi naman maiwasang ma-speechless si Dreanara. Ngayon nagsisimula siyang magtagumpay sa prosesong kanyang linatag upang matagumpayan ang task na ito, ngayon din naman papasoka ng problema.   This was definitely not in her original plan since she intends to conduct research until 3 PM to 5 PM and then arranged an appointment with the client in her best visited place, which in this case is a club house. But then, all of this goes to smoke just because she started late with her plan.   Hindi niya maiwasang maalala muli ang naging payo ng in ana maging mabilis sa pag-aksiyon.   ‘Ugh! I did try to act faster, only that ngayon lamang binigay sa’kin ang tiyansang ito.’   Dito naman biglang pumasoks a kanyang isipan ang minsang nasabi ng lolo kagabi.   ‘A businessman should not rely on petty excuses. The result tells it all.’   Right. Hindi niya makukuha sa pagbibigay ng mga palusot ang magiging kapalpakan niya kung susuko na siya ngayon. By hook or by crook, she will seal a deal with the VVIP client.   “Young Miss I received a reply from the manager.” Napabalik sa ulirat ang dalaga nang marinig muli ang pagsasalita ni Lucas sa kabilang linya. “It is confirmed. Miss Montemayor had checkout from your hotel. And according to the record for limousine rentals, she is headed to Vestria, particularly in the El Cuangco Hotel and Casino,” ani pa ng lalaki.   Legit yung biglaang pagbilis ng t***k ni Dreanara dahil sa kaba.   ‘If she was heading in Vestria towards the El Cuangco domain, then isa lang ang ibig sabihin nito…’ paghihimay niya sa kanyang isipan.   “The El Cunagco Corporation must have learned about the huge amount of lump money inheritance of Miss Montemayor, and eyeing to take her to invest in their company,” pag-aanalisa niya ng pangyayari.   ‘Ugh! This is bad! We have come to the worst even before actually starting to open up a negotiation.’   Kahit bilang impostor lamang ng tunay na Dreara ay hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding pagkalinga para sa kabuuang welfare ng Vragus Empire.   ‘Paano ba kasi ang pakikipagtransakiyon ni Jackson at bakit hindi ito nagtagumpay? Ito tuloy unti-unting nadudulas sa kamay ng Vragus Empire ang chance na palakihan ang capital nito. At ang masama pa, makukuha ito ng matindi nitong karibal sa industriya. I have to do something!’   “It seems like it, Young Miss,” pagsang-ayon ni Lucas sa speculation ng dalaga.   Humingang malalim si Dreanara upang pakalmahin ang sarili at mas maging epektibo sa pag-respond sa issue. Matapos ang maikling segundo ay nagsimula na ito sa plan B na nasa isip niya.   “Keep tailing Miss Montemayor, and report to me from time to time about her current location. I will be coming there in Vestria,” seryoso at kalmado niyang utos.   “This is noted, Madam,” sumbat ng lalaki bago putulin ni Dreanara ang linya at tawagan si Manong Jules upang ipagmaneho siya nito patungong Vestria. Maiintindihan naman ni mrs. Vragus kung wala muna susundo sa kanya ngayong gabi mula sa trabaho sapagkat nabanggit na niya rito ang patungkol sa phobia niya sa mismong pagmamaneho.   Siyempre medyo dismayado ang ginang, ngunit wala rin silang nagawa sapagkat meron na iyon sa kanya. Hindi na niya ito basta-basta na lamang maipipilit sa sarili na labanan ng ganoon na lamang kadali.   “Hello Manong Jules. This is me Dreanara, and I want you to prepare the car for we are going to Vestria. Choose the fastest car available. I need to be there as soon as possible,” dire-diretso nitong utos.   Ayaw man niyang mag-sound bossy sa mga kasamahan nila sa bahay ngunit kinakailangan niya talagang iparamdam na seryoso siya sa pagsasabing magmadali ang mga ito.   Mabilis na siyang naghanda at tsaka bumaba na rin sa may garahe. Sa tulong ng mga kasambahay nagawa niyang makapagempake ng good for three days na mga damit at ibang essential na kagamitan. She does not know how things will unfold for her in Vestria kung kaya naman mas mainam na ‘yung nakahanda siya kung ano ang maaring mangyari. Kumuha na siya ng mga extra clothes kung sakaling tatagal ang lakad niya roon.   Basta isa lamang ang klaro sa kanyang isipan ngayon…   Ito ay ang unahan ang mga El Cuangco na makalapit sa orihinal na kliyente nilang Vragus Empire, at masinsinan itong hikayating sa kumpanya ilagay ang napakalaki niyang pera. Sa kasalukuyang competition status ng El Cuangco Corporation at Vragus Empire, kung saan nangunguna ang El Cuangco at pangalawa lamang ang Vragus… magiging malaking problema para sa kumpanya nila Dreanara kung makuha ng kalabang kumpanya ang malaking investor na si Miss Montemayor.   Kung para sa mga El Cuangco, ang pagkuha kay Miss Montemayor ay karagdagan lamang asset sa kanilang kumpanya, pwes sa mga Vragus, isa itong malaking susi upang makahabol sila sa mga El Cuangco.   Kung magagamit ng maayos ang new fund na makukuha mula sa VIP client na ito, maaring makaabante muli ang Vragus Empire sa status nito bilang second best pataas sa equal status ng El Cunagco Corporation na best of the bests.   Sa madaling salita, literal na buhay ng kumpanya ang nakasalalay sa transaksiyon na ito.   As someone who inherited the face and figure of the true and original Dreanara Iris Vragus, obligasiyon ni Hariet Fernillo na manahin rin ang responsibilidad nitong pangalagaan ang kumpanyang ilang dekada na ring pinayabong, pinaunlad, at pinatakbo ng kanilang angkan.   She, atleast should do this in her place, as a payment for the new life and second chance she got to live a better life compared to her miserable and lonely life as the second illegitimate daughter of the Fernillo Family. Anak sa labas at hindi pinapahalagahan.   That’s why even if she forced to deny it, may kunting soft spot siya para sa pareho niyang anak sa labas kagay ni Jackson Vragus. Ngunit ang pinapakita nitong lantarang hindi paggalang sa kanya, unti-unting naglalaho ang pitak ng simpatya na meron siya.   Malayung-malayo naman ang naging kwento niya bilang anak sa labas ng mga Fernillo sa kwento ni Jackson bilang anak sa labas ng Vragus’s Chairman. He was way blessed and living a great life compared to her as Hariet.   ‘Enough with the dramatic reflection of the past. I need to focus on this special deal.’   “Let’s go, Manong Jules. I already informed my mom about our urgent trip to Vestria. She said she would just call one one of the family drivers in the main house to drive her home. No worries,” aniya.   “Fasten your seatbelt, Young Miss. Here we go,” saad naman ng kanilang family driver bago magsimulang patakbuhin ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD