Matapos mapasadahan ng likido ang lalamunan ay tumingin ang matanda sa anak nitong lalaki. Last week kasi ay may binigay itong special deal sa isang probable investor na naghahanap kung saan ilalagay ang malaki nitong mana.
Isa kasi itong heredera ng isa ring mayamang hacienda sa probinsiya. Since sa kapatid nitong panganay napunta halos lahat ng mga ari-arian at lupang sakahan ng kanilang pamilya, iniwanan naman siya ng malaking halaga upang makapagsimula ng sarili nitong buhay na hiwalay sa panganay na kapatid.
Magiging additional asset para sa Vragus Empire kung makukumbinsi nila ang mayamang herederang ito na maging kabahagi ng kanilang kumpanya. Mainam na ring mas magkaroon pa ng mas malaking capital money ang kanilang corporation upang mapondohan ang pagbubukas ng mga panibagong branches ng kanilang business sa iba’t-iba pang bahagi ng bansa.
“How was the deal going on with the heiress of Montemayor Clan?” seryosong pagtatanong ng matanda sa anak na binata. Maaaninag sa boses nito ang pagka-authoritarian ng tono nito pagdating sa mga usaping may kinalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya o trabaho na may kaugnay rito.
Napaismid naman si Estrella. Ayaw man niyang aminin ay hindi niya talaga nais na masaksihan ng dalawang bisita sa mansiyon ang katotohanang ito. Alam niya kasing nabigo ang kanyang anak sa pagkuha ng deal sa nasabing mayamang heredera na kasalukuyang nasa siyudad ng Bronton ngayon ngunit bali-balitang aalis din sa darating na araw.
“Hmmmm…” medyo nininerbiyos na panimula ni Jackson habang hindi maiwasang mapaiwas ng tingin sa kanyang amang chairman.
“Was it successful?” Pinangunahan na ng matanda ang pagtugon ng anak. Well, para sa isang bihasang negosyanteng kagaya niya at ulo ng isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, Chairman Dmitri Vragus expect nothing less from a flesh and blood, full blooded Vragus just like his second son with Estrella.
Sa kabila ng mapait na katotohanan na nabigo ng binata ang binigay sa kanyang transaksiyon ay hindi niya makayang basta na lamang lunukin ang kanyang pride at pahiyain ang sarili sa harap ng chairman, idagdag mo pa ang presensiya nila Leonora at Dreanara.
“Hmm… nothing’s final at the moment, dad. Miss Montemayor has neither rejected nor accepted the deal. But I promised to—”
Hindi na pinatapos ng chairman ang sasabihin ng anak na lalaki. The twitching of his face muscles is visible signs na sobra itong dismayado sa naging resulta ng kauna-unahang individual task na pina-handle niya sa anak. Oo nga’t noon pa ito nagsimulang magtrabaho sa kumpanya ngunit palagi siyang may mga ka-partner o kagrupo sa pag-achieve na mga important tasks na ilalaan sa kanila.
And Chairman Vragus really thought that his son is finally ready to take up important transactions on his own and successfully closed a deal for the betterment of the Vragus Empire. At this moment niya lamang napagtantong mali pala siya ng akala. He’s beyond disappointed. Halos magbebente singko na ang anak pero hindi pa rin nito kayang mag-handle ng ganitong trabaho.
At times, hindi niya talaga maiwasang maalala ang pumanaw niyang anak na si Emiliano. Natural na matalino at magaling makipagtransaksiyon. ‘Yung tipong halos lahat ng mga hina-handle nito ay nagiging profitable para sa kumpanya. It was since his death when Vragus Empire slowly started to become just the second best after the El Cuangco Corporation.
Itinaas ng matanda ang kanyang kamay upang bigyang hudyat ang pagtigil ng pag-explain ng binata naging sagot nito.
“No explanation needed. A businessman should not rely on petty excuses. The result tells it all,” malamig na anito.
Hindi naman maiwasang mapangisi ni Leonara sa naging pahayag ng fater-in-law sa kapalpakan ng anak. Hindi talaga ito maipapantay sa kakayahan ng kanyang yumaong na asawa.
“Come on, honey. Surely that Miss Monte…Montemayor, whatever the name is, is a very difficult person to persuade kaya hindi pa napapa-oo ng ating anak,” mabilis na paged-defend ng ikalwang asawa ng chairman sa anak.
“I am sure na kapag binigyan pa natin ng isa pang pagkakataon si Jackson ay mapapa-oo rin niya ito. Right, honey? Another chance for our baby boy,” malambing pang suhesiyon nito.
Halata naman sa mukha ng chairman na bahagya itong na-touch sa lambing at pagkamalumanay ng pakikipagusap ng asawa.
At bago pa maging huli ang lahat at tuluyang mapaikot ng ginang ang isipan ng lolo ay mabilis na gumawa ng bold move si Dreanara. Ibinaba nito ang hawak na spoon at fork aat tsaka nagpunas ng gilid-gilid ng bibig gamit ang binigay na table napkin bago pa man din sila nagsimulang kumain.
“Grandpa, I have a brilliant suggestion!” malakas niyang sabi na nakapagpukaw ng atensiyon ng lahat.
Tila ba na-sense ni Estrella ang balak ng dalaga kung kaya naman hindi nito mapigilang umilap ng patugo sa paningin ng asawa. Siyempre, sino bang ina ang magnanais na masapawan ang kanyang kaisa-isang anak.
“Go ahead, darling,” pagbibigay pahintulot nito.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga bago sumagot. ‘Go self, kayang-kaya mo iyan,’ pangche-cheer niya sa sarili.
Kung gaano kasisip ang ikalawang pamilya ng lolo niya, kailangan niya ring tapatan ito at lagpasan pa dapat sa totoo lang, para makalamang.
“Since I’m back naman na in the city, can I not handle the investment deal with Miss Montemayor since my uncle already tried his best but sadly to no avail.” Halos umusok na ang ilong ng dalawang mag-ina sa pagpapasaring ng dalaga. Ngunit wala rin naman silang ibang magagawa sapagkat alam nilang totoo naman ang sinabi nito. Hindi ito gawa-gawa lamamg.
Dito naman nag-step in si Leonara upang back-up-pan ang panukala ng anak.
“That was actually a nice idea! It would be a good business exercise for you, my princess,” nakangiting pagsang-ayon nito bago balingan ng tingin ang father-in-law upang ito kumbinsihin itong ibigay na lamang ang mahalagang transaksiyon na iyon kay Dreanara.
“You should permit its, father. I am sure mas magiging masaya si Emiliana sa langit kung makikita niyang sumusunod sa yapak niya ang kaisa-isa niyang anak. Besides, it would be a good opportunity for your granddaughter to showcase her skills in the filed of business. Saan pa ba magmamana si Dreanara, kundi sa magaling niya ring ama,” mahabang panghihikayat nig ginang.
Kahit na medyo dehado ay pilit pa ring lumaban ang misis ni Chairman Vragus.
“How certain are you na katulad rin ng anak mo ang tatay nito? Well, I suppose we should not assume things without valid proof,” pagtalak ni Estrella sabay baling ulit sa asawa upang pasunurin ito. “Honey, you should keep your faith on your only remaining son. Please give our Jackson more time to accomplish the task you gave him lalo na at alam naman nating ito ang pinakaunang pagkakataon na mag-isa siyang naglalakad ng transaksiyon,” dagdag nito.
“Hmmm….” Napapahalumbaba na lamang ang chairman sa dalawang suhesiyon na binabato sa tenga niya.
Dito naman pumitik ang isang magandang argumento sa isipan ni Dreanara. Awtomatikong napataas ang gilid ng kanyang labi upang ngumiti sa tuwa. She juts thought of an effective argument na mahirap isawalang bahala na lamang, lalo na at gagamitin niya ang mga salitang binitiwan ni Estrella laban rin sa panukala nito.
“Grandpa,” pagtawag nito sa nakahalumbabang matanda. Binigyan naman siya ng ‘what is it’ look ng lolo.
“I kinda agree with your wife about the point na we don’t have proof yet to prove how good or how bad I am in handling business transactions…” Halatang medyo hindi naging kampante si Leonora sa paunang salita ng dalaga ngunit hinayaan pa rin niya itong magpatuloy. Malaki ang tiwala niyang alam nito ang ginagawa at alam niyang hindi ito basta na lamang papadaig sa kabilang panig. Her guts just tell her so.
“See, even your granddaughter is agreeing with me, honey. You are really so lucky to have a wife like me,” masayang wika ni Estrella na may kasamang paghagihik. Halos mapunit na rin ang bibig sa kangingiti. Hindi naman mapigilan ni Dreanara na palihim na mapahalakhak sa tuwa sa kanyang isipan.
Buong akala kasi ng ginang ay kinakampihan niya ito, iyon pala may iba siyang nakahandang plano na tiyak na magtatanggal ng mga nakakainis na ngiti sa mukha nito.
“So, in order to put my capabilities into test, you should also give me an equal opportunity to handle an important business transaction on my own. And I would be very delighted if you let me handle this case with Miss Montema—”
“You—” hindi na natuloy ang pagtutol nila Estrella at Jackson nang ang chairman na mismo ang nagtuloy ng sasabihin ng dalaga.
“Montemayor, you say? Alright then, I since I had given almost a week for Jackson. It would be fair na bigyan rin kita ng isa ring linggo na patunayan ang iyong kapasidad. Though, I am afraid na baka umalis na ng Bronton ang kliyenteng ito,” pagsasaad ng matanda.
“Honey!” inis na bulyaw ng ikalawang asawa ni Chairman Vragus habang tahimik at nangingitngit na sa asaw at galit si Jackson. He literally felt a sore loser in front of his own father, and worst, in front of his greatest rival- his niece, Dreanara Iris Vragus.
“Don’t meddle with this, Estrella,” malamig na ani ng matanda gamit ang first name basis na katawagan. Ginagamit niya lamang ang pagtawag gamit ang unang pangalan kapag sobrang seryoso na siya at ayaw ng makinig ng iba pang salita mula sa tao.
Flinching her anger with her curled fingers, Estrella stood up and left the table.
Nagsikibit balikat lamang ang mga nasa hapagkaininan. Kahit ang sarili nitong anak na si Jackson ay nasasanay na pa-walk out scene ng kanyang ina.
“Jackson you are therefore relieved on the task in convincing Miss Montemayor to invest in our company,” anito habang direktang nakatingin sa binata.
“Whatever you say,” tanging reaksiyon nito. Mababasa sa mukha nito ang hindi pagiging masaya sa naging pasya ng ama.
“And you, Dreanara… you take over on the matter. I expect you will be at least half as good as your father. I have high expectation on you. Don’t ever let me down,” mahabang litanya ng matanda sa dalaga.
Tumango naman bilang pagsang-ayon si Dreanara. “I will, grandpa. I promise not to let you down. I’ll be keeping the legacy of our family as one of the best businessmen in the area alive,” buong pusong pangangako nito.
Sa kabila ng pagtatapang-tapangan at pag-aarteng sobrang confident ay hindi pa rin maiwasang mag-alala ng dalaga. ‘What if hindi ko ito kayanin? What if hindi ko mapanindigan ang pangakong aking nabitawan ngayon? At… what if ma-realize ko lamang sa huli na hindi talaga ako fitting maging impostor ni Dreanara? Papaano kung sa huli ay mabigo ko lamang ang taong umaasa sa akin… ang taong kaisa-isang tumulong sa akin nang ako’y walang-walang matakbuhan…’ Hindi niya maiwasang mapaisip ng mga posibilidad na maaaring mangyari. Lalo na ngayon at mabibigat na salita ang kanyang nabitawan.
Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Chairman Vragus ang mapahanga sa kanyang apo. Aminado siyang tila ba nagbago ang aura ng apo simula noong huli niya itong nakita bago pa man din ito nagtungong New York at nag-stay ng halos siyam na buwan ayon sa nakalap niyang balita.
Batid niyang medyo nag-iba ang vibes nito kaysa noon. Gayun pa man, hindi pa rin nagbabago ang malakas na koneksiyon na nararamdaman niya rito bilang isang tunay na kadugo. Hindi niya rin talaga lubos maintindihan pero iba talaga ang kabig ng mga taong mayroong parehong dugo ng mga Vragus na nanalaytay sa kanilang ugat.
Ang hindi lamang alam ng matanda ay ibang tao na pala ang kaharap niya ngayon at hindi talaga ang tunay na Dreanarang nakasaksihan niyang lumaki sa mansiyon bago pa man din lumipat ng bahay.
“I know you will, apo,” pagsang-ayon niya sa matapang na deklarasiyon ng dalaga. Maging si Leonara ay nagpadama rin ng suporta.
“Me too… and even if you happen to fall, your family if always here for you,” dagdag pa ng ginang.
Literal na natunaw ang puso ng dalaga sa mainit na salita ng kanyang bagong itinuturing na nanay. She just wishes… she just wishes na sana siya na lang talaga ang tunay niyang ina.
Sa hapagkainan ay may isang tao ang hindi magawang maging masaya para sa mainit na suportang natanggap ng dalaga. Ito’y walang iba kundi si Jackson lang naman. Sanay naman siya sa malambing na side ng kanyang sariling ina, ngunit hindi niya maiwasang mapa-roll eyes kapag napapakinggan ito sa iba.
“Ugh! Excuse me of the dramatic act. I’m full anyway. I’ll go to my room. Good night, dad,” pag-e-excuse ng binata sa sarili matapos kumain. Tumayo at tsaka nagsimula ng umalis.
Hindi naman maiwasang mapataas ng kilay si Leonara sa harap-harapang pag-ignore ng kapatid ng asawa ng kanilang presensiyang mag-ina nang magpaalam ito paalis. Biruin mo ba naman… tanging ang chairman lamang ang sinabihan nito.
Imbes na magngitngit sa asar ay mas piniling maging sarkastiko ng dalaga.
“Good night too, uncle!” sigaw niya bilang pagpapahabol ng matamis niyang pagbati sa pagtulog sa snobbish na kapamilya.
Napangiwi ang si Jackson sa pahabol ng anak ng kapatid. Ramdam niya kasi ang pagsadya nitong mas lakasan ang katawagang ‘uncle’ kaysa sa sasabihin nito, senyales lamang na nang-aasar lamang ito. Halos hindi kasi maipinta ang kanyang mukha kapag naririnig ang katawagang ito.
For Pete’s sake, halos magkaedad lamang silang dalawa. Nagkataon lamang na ang naging ama niya ay ang lolo ni Dreanara kung kaya naman siya naging tiyuhin nito.
Nagpakunwari lamang siyang walang narinig at tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.