Kabanata 43

279 Words
Nagsimula ng kumain ang lahat. Walang ibang tunog na maririnig kundi tanging ang mahihinang kalampag lamang ng mga kubyertos. Marahil lahat sila ay paparehong gutom.   Hindi rin kasi biro ang naging emergency meeting ng mga board of directors kanina na tumagal ng halos ilang oras din. Kung si Mrs. Vragus ay nagawang makauwi ng mas maaga, pwes hindi ang chairman sapagkat kinailangan pa nitong mag-stay behind para pirmahan ang ilang mga papeless.   Sa kabilang banda, pagod na pagod rin si Dreanara buhat ng mahaba nitong biyahe mula sa Vestria. Maging ang mag-inang sina Estrella at Jackson ay may naging kanya-kanyang ring lakad ng araw na iyon.   Nang magkalaman na ang mga sikmura ay kaagad na tumikhim ang matandang chairman upang basagin ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng kanyang pamilya.   “Ahem…” panimula nito.   Lahat ng mga miyembro ng pamilya ay agarang napatingin sa matanda.   “Now, that I am starting to think na everyone has started casually conversing with each other, mananahimik nanaman kayo bigla,” pagsermon nito. Batid niya kasi sa kanyang sarili na inakala niyang nagkaroon ng magandang pagbabago sa paraan ng pakikitungo at pakikipag-usap ang dalawang partido kanina.   Nagsitigilan na lamang sina Leonara at Estrella; at si Dreanara at Jackson naman. They were all beyond guilty on the chairman’s words.   Unang umimik ang ikalawang asawa ng matanda na ngayon ay nakabalik ulit sa happy at smiling face nito kanina.   “Do you want some water, honey?” out of nowhere nitong tanong.   Tumango lamang ang asawa rito. Sinenyasan ni Estrella ang isang kasabahay na nakatayo sa likod upang Salinan ng malinis na tubig ang baso ng asawa na siyang ginawa naman nito na walang tutol.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD