“Glad you are home safely, honey,” agarang pagbungad ni Estrella sabay tayo at bigay ng magaang halik sa pisngi ng matandang asawa.
“Welcome home, dad!” malakas namang dagdag ni Jackson kasabay ang pagbigay ng isang napakalaking ngiti.
Hindi tuloy maiwasan ni Leonara ang bahagyang mapa-roll eyes sa napakainit na pagbati ng mag-ina na para bang matagal silang hindi nagkita gayong kung sa tutuusin ay nakatira silang lahat sa iisang bubong. Hindi rin maiwasang ikumpara ng ginang ang lamig ng pagtanggap nila sa kanya ng kanyang anak kumpara sa sobrang init nila sa chairman.
‘Bunch of plastic people!’ tahimik nitong asik sa kaluob-looban niya.
Sa kabila ng pagkairita rin ay hindi hinayaan ni Dreanara na ma-out of place silang dalawa ng kanyang mom. Tumayo ito sa kanyang upuan at naglakad patungo sa inuupuan ng chairman. Inilahad ang kanyang kamay sabay yuko ng bahagya upang hintayin ang pagtanggap ng lolo sa kanyang pagmamano po.
The surprise on the chairman’s face is priceless since hindi naman siya sobrang ganito lambingin ng kaisa-isang apo. He knew that kahit papaano ay may kinikimkim itong galit sa kanyang puso dahil sa pagkailangan ng kanyang ama at inang lumipat ng bahay dahil sa pagpasok ng ikalawa niyang pamilya.
“Sus maryosep, you’ve grown a lot better, my Dreanara. How was New York experience? It’s been I guess nine months since you flew there?” interesadong tanong ng matanda matapos niyang tanggapin ang nakalahad na kamay nga apo at ilapat ito sa mga noo niya sabay bigay ng pagpapapala.
Alright. Sempre pinaghandaan nilang dalawa ni Mrs. Vragus ang magiging alibi at sagutan niya.
“It was quite the long rocky road ride, grandpa. I spent the first month attending on my physician’s treatment to fully recover from my accident. I can say that their hospital quality is lot superior than ours here in Bronton and even in Vestria,” dire-diretsong paliwanang dalaga.
Bago pa kasi supposedly lumipad patungong New York ang tunay na Dreanara ay napasabak ito sa hindi inaasahang aksidente rin lamang sa daan na siyang kumitil ng buhay nito. Pero siyempre, kasama sa plano ng dalawa ang baguhin ang kwento para hindi mabuko ang kanilang plano.
Instead, Dreanara lived on that day and spent few days on their own house for private in-house hospitalization. Then, after passing the critical stage ay lumipad siya sa New York kasama nag kanyang ina na naka-on-leave status upang ipagpatuloy ang health treatment niya.
Umuwi ang kanyang ina sa bansa at naiwan siya sa nasabing foreign na lugar at kumuha ng additional short-term course regarding business manangement sa New York University upang mas mahasa pa ang kakayahan nito sa larangan ng pagnenegosiyo at kung paano mas mainam magpatakbo ng isang kumpanya.
Mabuti na lamang at parehong Business Administration din ang natapos ni Hariet na kurso kung kaya naman ay may alam siya patungkol sa mga inaaral din ng tunay na Dreanara.
“I’m glad to hear that. You don’t know how much worried we are about you,” malungkot na sabi nito sabay tingin sa kanyang mag-ina sapagkat sila ang tinutukoy ng matanda sa paggamit ng salitang ‘we are worried about you.’
Dito naman hinawakan ni Estrella ang kamay ng asawa upang pagaanin ang loob ng chairman. Ang mga mata nito ay nawala at biglang nawalan ng buhay.
“Don’t worry, honey. She is back and she is here all well and healthy. Plus, kasama mo naman kami ni Jackson in every step of the way,” malambot na pang-aalo nito.
This time si Dreanara naman ang napa-roll eyes sa kanyang isipan.
‘Gosh! Ibang-iba talaga ang tono ng ikalawang asawa ng lolo ko kapag nakikipag-usap rito kumpara sa normal na tonong gamit niya sa ibang tao. I can’’t help but to be cringe.’
“Right, dad,” pag-second the motion naman ng tito niyang binata.
‘Isa pa ‘tong Jackson na ito. Pasisip rin kagaya ng ina. I can understand why the chairman’s first son and his family left the house for good. Like who on their right mind would bear living in the same house with fake people like this? Maybe even the real Dreanara also feels disgusted with this,’ paghihimay niya sa sitwasiyon.
If this was the battle of oozing fakeness, hindi naman magpapahuli ang kampo nila Mrs. Vragus at anak nito.
Ngumiti ng pagkalaki-laki so Dreanara na halos mapasingkit na ang kanyang mata sa sobrang pagngiti.
“Omo, I never thought you care about me this much, grandma Estrella and uncle Jackson. My grandpa is surely very lucky to have your around,” wika ni dalaga.
Halata naman sa dalawa ang bahagyang mapatigil sa kanilang ginagawa at mapatingin sa kanya ng malamig dahil sa pag-emphasize niya ng ‘grandma’ at ‘uncle’ sa kanyang pananalita. Bakit naman hindi? Ganoon naman ang family structure nila kung sa tutuusin lang.
Maliit namang napatawa ang chairman na hindi aware sa umuusok ng mga butsi ng ikalawang asawa at ikalawang anak na lalaki.
“I am glad this family is finally starting to talk with each other casually like we long should all have been,” honest na komento ng matanda na umaasang kahit papaano ay nagsisimula ng magkasundo ang dalawang panig. Hidni man as in magkasundo, pero at least ngayon ay nag-uusap na hindi kagaya noong dati na halos hindi na mag-imikan kahit magkaharap na sa hapagkainan.
“Talking aside, let’s dig into our food na before it gets cold,” pag-commend ng pinakaulo ng pamilya bilang pagbigay hudyat ng kanilang pagsisimulang kumain.