Kabanata 41

1166 Words
Matapos ang paghahanda ay tumungo na sina Mrs. Vragus at Dreanara sa main mansion ng mga Vragus, kung saan rin sila dating nanirahan bago pa man din ang pagdating ng pangalawang asawa’t anak sa labas ng chairman.   “Narito na po tayo mga Madame,” magalang na ani ni Manong Jules matapos siyang pagbuksan ng gate ng mga guards na nakatambay sa pinaka-main entrance ng mansion.   Kaagad namang napadungaw sa may bintana ang dalaga upang mabilisang mapasadahan ng tingin ang kabuuan ng labas ng mansion. Bale mayroong sementadong mahabang kalye pa silang kinailangan na baybayin bago as in na makarating sa tapat ng napakalaking mansion.   Kahit madalim na ay magawa pa ring makita ni Dreanara ang malawak na damahun sa tulong ng mga lamp post na nakatayo sa lahat ng gilid. Kung tama ang pagtatansiya niya ay nasa halos may isang metro ata ang haba ng green lawn bago makarating sa mismong bahay. Hindi pa kasali ang pahaba nitong lawak papunta sa side.   Ngayon, hindi halos hindi na makumbinsi ang dalaga na isa lamang itong residential lot para sa iisang pamilya. Kung sa tutuusin ay baka kumasiya pa ang isang village sa lawak ba naman ng lupa. Hindi pa nga kasali ang mini forest back extension nito sa likod na hindi pa napupuntahan ng impostor na Dreanara.   Ngunit hindi pa roon natatapos ang pagkamangha ng dalaga…   “Finally, back after so long,” mahinang bulong ni Mrs. Vragus sa sarili. Ito na rin kasi ang unang tahanan kung saan sila unang nangarap at bumuo ng pamilya ni Emiliano. Dito niya pinanganak at pinalaki ang kaisa-isa niyang anak na babae.   Dito naman napukaw ang atensiyon ni Dreanara sa napakatayog na dalawang poste na nakatirik ng magkabilaan sa tabi ng napakalaking double door entrance na ngayon ay nakabukas na tila ba may inaasahan talaga silang bisita sa ngayon.   Nauna ng bumaba si Kuyang driver upang pagbuksan ng pintuan ang dalawa niyang amo. Hindi na nagsayang ng oras sina Mrs. Vragus at Dreanara at pumasok na sa loob.   Sa kabilang banda naman ay tahimik na namamangha sa kaloob-looban niya si Hariet. Para sa taong ngayon lang makatapak sag anito kalaki at kagalanteng bahay, na maihahalintulad na sa isang literal na palasiyo na mayroong modern designs at structure, sobra itong nakaka-overwhelm sa kalamnan niya. Ngunit pilit pa rin niyang hindi mag-show ng any physical sign ng pagkagulat at baka may maghinala agad sa tunay niyang katauhan.   Hindi naman niya gustong mabuko kaagad ang plano nila ng ginang bago pa man din ito pormal na magsimula… bago pa man din siya magsimulang magtrabahong muli sa Vragus Empire at patunayan ang kanyang kakayahan upang matanghal bilang susunod na tagapagmana ng pinkamataas na posisiyon sa nasabing malaking kumpanya.   Sa may entrance pa lamang ay sinalubong na sila ng dalawang magkabilaang mahabang hanay ng mga katulong na isa-isang yumuko kapag nadadaanan na nila. Lahat ay nakasuot ng Japanese Style maid uniforms na kombinasiyon ng black and white na kulay. Ngunit ang laylayan ng skirt nito sa baba ay aabot sa kalahati ng paa, o di kaya’y five inches below the knee.   ‘Gosh! Totoo pala ang ganitong scene sa mga ultra rich families na napapanood ko noon sa movies,’ komento ng dalaga sa kanyang isipan.   Pagkalagpas nila sa mahabang hanay ay sinalubong kaagad sila ng isang lalaking butler na naka-all black uniform.   “Arturo!”  Hindi maiwasang wika ni Mrs. Vragus nang makita ang butler head ng buong mansiyon.   Mula sa seryosong pagmumukha nito ay dahan-dahan itong ngumiti ng bahagya.   “Welcome home, Mrs. Vragus,” panimula nito bago bumaling kay Dreanara. “And you, Young Lady,” dagdag pa nito.   ‘Right. Ito nga pala ang lalaki sa picture na pinaaral sa akin ni Mrs. Vragus bilang parte ng training ko. Kailan ko talagang mag-focus ngayon,’ paalala ng dalaga sa sarili.   Marami-rami kasi ang mga taong kinailangan niyang i-memorize bilang si Dreanara kung kaya naman minsan ay mayroon siyang nakakaligtaan. Mabuti na rin na personal niyang makita lahat para mas madaling tumatak sa kanyang isipan.   “Glad to see you all well,” sincere na ani ng ginang.   Na-flatter naman ang butler at bahagyang yumuko. “I am honored for your recognition. So as you and the young lady, Madame.”   “Allow me to escort you to the grand banquet,” dagdag pa nitosabay pag-gesture ng kamay patungo sa isang malawak na pasilyo sa may kanan. Tahimik namang sumunod ang dalawa.   Sa may pasilyo ay may mga family portraits kasama ang iilang mga subtle paintings of plants and animals. Mga paintings na nakukuha lamang sa mga auction. At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kakailanganin ng napakalaking halaga para manalo sa isang auction sapagkat kung wala kang pantapat sa pera ng kalaban mo ay hindi mo makukuha ang item na nanaisin mo.   It has been a hobby of the chairman’s late first wife to collect high caliber paintings all over the world to hang it in their house. Hindi lang naman ito luho lamang sapagkat isa rin itong magandang investment. Ang value o halaga kasi ng isang art piece kagaya nitong mga paintings mula sa sikat at kilalang mga tao ay tumataas sa paglipas ng panahon. Mrs. Emilia Vragus once visioned out creating her own art exhibit hall pero nawala na ito sa mundo bago pa man din niya ito magawa.   Matapos baybayin ang medyo may kahabaang pasilyo ay nakarating na rin sila sa wakas sa may grand banquet hall kuno.   Kaagad na napukaw ang atensiyon ni Dreanara sa dalawang indibidwal na nakaupo na sa may kaliwang side ng mahabang table na ngayon ay punong-puno ng napakaraming putahe na tila ba may pista. Ang isang babae rito na sampung taon lamang ang tanda mula kay Dreanara na punong-puno ng kumikinang na mga kolorete sa katawan ay ang ikalawang asawa ng lolo niya. Maganda at sexy pa nga na tila ba wala pa itong anak. Ito marahil ang dahilan ng pagkahumaling ng chairman rito.   Sa tabi nito ay ang isang binata na kasing edad lamang ng dalaga. Nakakulay ang buhok nito ng gray higlights bilang blend ng natural na kulay black nitong buhok.   Empty pa ang upuan sa may pinakadulo ng table, nangangahulugan na hindi pa dumarating ang chairman.   Hindi na nagsayang ng oras sina Mrs. Vragus at Dreanara at kaagad na naglakad sa kanang bahagi ng table upang maupo.   Parehong nag-irapan lamang ang dalawang ginang sa isa’t-isa habang nagplastikan naman ang dalawang magkaedaran.   “Hi, dear nephew!” sarkastikong pagbati ni Jackson sa anak ng kanyang kapatid.   “Great to see you, uncle,” sumbat naman ni Dreanara.   Halata naman sa mukha ng binata ang bahagyang pagkainis. Sino ba naman kasing matutuwa na matawag sa pangalang pangmatanda gayong magkaedad lang naman sila?   ‘One point for me!’   Hindi maiwasang mapangisi ng dalaga sa sarili.   Bago pa man din magsimulang magkagulo pa sa hapagkainan ay dumating na rin sa wakas ang pinakaulo ng Vragus Clan – ang nag-iisang Dmitri Vragus, chairman at head ng Vragus Empire.   Tumayo ang lahat bilang pagsalubong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD