Kagaya ng instruction ng kanyang mom ay kinuha ni Dreanara ang pinaiwang susi sa may front desk bago tumungo sa may parking lot.
Pinindot niya ang hawak niyang susi at umilaw ang kulay red na sasakyan sa may harapan, hudyat na ito ang sasakyang ipinadala ng kanyang mom para sa kanya.
Ngunit bago pa man siya pumasok sa loob ay saktong may isang itim ng sasakyang ang kapapasok lang din sa parking lot na ngayon ay kasalukuyang pinoposisyon ang pagparada ng kanyang sasakyan sa harap mismo ng pulang brand-new Audi ng dalaga.
Pagkaupo ni Dreanara sa driver’s seat ay kaagad niyang isinuksok ang car keys sa car key holes para paandarin ang makina.
Ngunit nang umandar na ito ay may kung anong negatibong sensasyon ang kaagad na bumalot sa kabuuan ng dalaga. Naramdaman niya ang bahagyang pagsikip ng kanyang dibdib at pagnginig ng kanyang mga kamay habang ina-attempt niyang ipatong ang mga ito sa may manibela.
Sa mismong oras ding iyon muling bumalik sa alaala ng dalaga ang nangyari sa kanyang trahedya. Simula sa biglang hindi paggana ng kampiyo at pagkawala ng preno ng sasakyang minamaneho niya noon hanggang sa pagkahulog niya sa matarik na bangin palubog sa malalim at malamig na tubig.
Tila ba ang bangungot na iyon ay muling bumalik sa kanya. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan at paninigas ng kanyang mga muscles. Ang bilis rin ng pintig ng kanyang puso na tila ba hinahabol ito ng isang dosenang mga kabayo dahil sa sobrang kaba.
“What is happening to me?” hindi niya maiwasang maitanong sa sarili.
At bago pa man din lumala ang tila ba pagiging suffocate niya sa loob ng sasakyan ay binuksan niya ang pintuan gamit ang natitira niyang lakas. Doon na rin agarang bumaba at hindi maiwasang mapaupo na lamang sa sahig.
Dito naman lumingon ang lalaking driver ng kapaparada lamang na itim na sasakyan. At sa pinakahindi inaasahang pagkakataon, ang lalaking ito ay si Maxen Rocco El Cuangco. Nagpaanyaya kasi ang kanyang fiancée ng lunch sa dine in restaurant ng hotel nila. Tatanggihan niya sana ito kung hindi lamang sa pinakiusapan ng babae ang kanyang lolo na pilitin siyang pumayag.
Matanda at may sakit na ang kanyang lolo kaya naman hindi na niya magagawa pang tanggihan ito. Sabi kasi ng doktor na dapat hindi na bigyan ng sakit ng ulo o anumang ikababahala ang matanda. Ito rin ang dahilan kung bakit nagsisimula na ring mag-training sa kumpanya ang binata. Ito’y upang manahin na ang pwesto ng chairmanship sa lalong madaling panahon.
Pagkapasok pa lamang ni Maxen sa parking lot kanina ay nakita na niya ang dalagang pumapasok sa kanyang pulang kotse. Hindi niya rin maintindihan pero may kung ano sa kanyang dibdib ang tila ba nalulungkot na aalis na ito sa lugar. Alam niya kasing nasa Bronton ang bahay at tahanan ng mga Vragus at magiging matagal uli bago niya ito makita, o baka hindi pa nga niya ito makitang muli sapagkat wala naman talagang valid na rason para magkruz muli ang kanilang mga landas. In fact, they were naturally born as rivals.
Nang makitang makapasok na ito ay aalis na sana siya ngunit hindi nakarinig siya ng kung anong kalampag sa likuran kung kaya’t napalingon muli siya. At hindi niya inaasahang ang kalampag na ito pala ay nalikha dahil sa biglaang pagsalupaypay ng dalaga sa malamig na sahig.
“Are you okay?!” puno ng pagmamalasakit niyang sigaw habang patakbong linapitan ang dilag.
Inabot niya ang kanyang kamay upang alalayan ito na tinitigan lamang ni Dreanara.
‘Damn it! Bakit kailang makita pa niya ako sa ganitong kalagayan?! Hindi ko naman alam na naka-develop pala ako ng trauma sa pagmamaneho ng sasakyan. To think about it, never pa akong lumabas since unang gising ko from comatose na ako ang nagmaneho. Palaging si Manong Jules ang nagmamaneho sa akin. I was late to realize my weakness,’ mahabang usal niya sa kanyang isipan.
‘And what now? I will them, I mean him, pity me again? For goodness’s sake, umayos ka Dreanara. Hindi na ikaw ang mahinang si Hariet. You should not show any sign of weakness or else they would use it against you,’ matigas na pagpapaalala ng maliit na boses sa kanyang kalamnan.
“Thank you but no thank you,” wika niya patungkol sa offer ng binata.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang kanyang sarili. Gamit ang sarili niyang lakas ay itinayo niyang muli ang kanyang sarili ng hindi pinapansin ang nakalahad na kamay ng binata sa kanyang harapan.
Medyo awkward naman na binawi ni Maxen ang kanyang kamay. Sa pagiging mailap pa ng dalaga sa kanya, mas lalong tumataas ang nararamdaman niyang interes rito. Well, hindi naman kasi siya sanay na tanggihan at isawalang bahala na lamang ng mga kababaihan.
Sa katunayan, tanginng dalawang babae pa lamang sa mundo ang nagpa-feel sa kanya na kailangan niyang magbahol para sa atensiyon nila. Ito ay ang kanyang unang asawa, at ngayon naman ang heredera ng Vragus Empire, na lingid sa kaalaman niya ay iisang tao lang pala.
“If you say so,” tanging saad ng lalaki habang pinapanood na pagpagin ng dalaga ang kanyang damit.
“So, maaari ko bang malaman at least kung anong dahilan kung bakit ka nasa sahig kanina?” magalang at curious na tanong ni Maxen.
Mabilis na nag-isip ng kapani-paniwalang rason si Dreanara upang pagtakpan ang kadidiskubre niya lamang na trauma niya sa pagmamaneho. Of course, as much as possible hindi niya ito ipagsasabi kahit kanino liban na lamang kay Mrs. Vragus siyempre.
“My car broke off and I couldn’t properly start it. When I got out of it, I slipped. Ano? Nasagot ko na ba ang tanong mo, mister?” confident na pagpapaliwanag ng dalaga.
Through time, nama-master na rin talaga niyang maging cool at calm kahit sa pagpalusot.
Maliit na natawa si Maxen. Ito na marahil ang pinakamahabang salitang binitawan ng supladang dalaga sa kanya. Ewan niya ba, may kung ano talaga sa dalaga na madali lamang na magpagaan ng kanyang loob.
Napakunot noo naman si Dreanara. “And what’s so funny there?” tanong nito.
Napakamot naman sa likod ng kanyang ulo ang binata. Sa mga oras na iyon tila ba nagiging normal na mga binata at dalaga na lamang silang na nag-uusap. Walang anong bahid na business related matter. Walang bahid na competition between sa magkalaban nilang pamilya sa industriya ng telecommunication.
Him just as himself; and her just as herself.
“Nothing, Miss Vragus,” pagtatanggi ng binata at pinalitan ang topic. “So, how are you going to get back to your home then?”
‘Haist. Parang alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.’ At bago pa man din mag-offer ang binata ng free ride, which is hindi niya muna gustong i-take ngayon.
Well, as much as gusto niyang asarin si Levisha, batid niyang hindi pa ito ang tamang oras para hayaang lumapit ang binata sa kanya. Not yet…
She has process to follow. Masiyadong magaang parusa ang sirain niya agad ang engagement ng dalawa hangga’t hindi pa ito lumalalim.
The loss, the pain, and the betrayal she felt when she was casted away by the people whom she calls family still struck her heart in thousand pieces. She will make sure they will get what they deserve.
She will secure her placing first in the Vragus Empire then wait for the two to get married. And when they do, that’s the time she will commence on her plan. Pabagsakin ang El Cuangco Corporation at wasakin ang kanilang marriage vow.
“I have my ways. Don’t bother concerning yourself,” malamig niyang sagot sa lalaki at nagsimula ng maglakad palabas ng parking lot.
“Miss Vragus!” rinig niyang pagtawag ng binata sa kanya pero hindi na niya liningon.
Sakto kasing may napadaan na taxi kung kaya pinara niya kaagad at pumasok sa loob.
“Kuya sa Bronton po,” sabi niya sa driver.
Halata namang napapintig ang tenga ni mamang drayber sa narinig. Medyo malayu-layo kasi ang karatig na siyudad ng Bronton sa Vestria kung kaya naman sobrang dalang lamang na makakuha sila ng pasahero na pupunta roon.
“Ay Ma’am… pasensiya na po ha medyo may kamahalan ang bayad kapag sa Bronton pa po tayo,” medyo napapapkamot na wika ng tsuper.
Hindi naman mapigilang matawa ni Dreanara. Kita kasi ang concern ni kuyang driver na baka kulangin siya ng pambayad sa layo ba naman ng tatakbuhin ng taxi.
“Don’t worry po manong. I will pay you doble pa po if you want,” sagot niya na nakangiti. Halatang medyo may pagkakenkoy din kasi iting driver base sa energetic na tono ng kanyang boses.
“Ay ‘wag na po, madam. Basta po makabawi ako sa gas tsaka makakita ng kaunti. Solved na solved na po tayo dun,” pagtanggi nito bago magsimulang mag-drive.
Matapos ang mahaba-habang biyahe ay nakarating na rin siya sa kanilang bahay. Kagaya na kanyang sinabi ay binayaran niya si Kuyang driver ng double since mabait ito at makwento. Halos hindi siya makatulog sa may backseat.
Kahit papaano rin ay medyo naramdam ng dalaga ang pagbabalik ng simple at casual niyang buhay noon bilang isang ordinaryong babae na nagko-comute at sumasakay sa mga pampublikong sakayan kahit sa maikling pagkakataon lamang. Hindi kagaya ng kanyang kapatid, wala siyang sariling sasakyan.
Minsan lamang siya nakikigamit sa family car ng pamilya para mag-practice sa pagmamaneho. Sa mga minsang pagkakataon pa ngang ito ay binubulyawan siya ng kanyang nanay-nanayan sapagkat baka maibangga niya raw ito magasgasan. Masiyado raw saying ang gastos sa pampaayos kapag nangyari iyon samantalang todo waldas naman sa pagsho-shopping ang kapatid niya.
Kaagad namang sinalubong ng masayang bati ang young lady ng bahay ng mga kasambahay sa may sala.
“Good afternoon po, young mistress,” magalang na pagbati ng mga ito.
“Good afternoon too,” bati naman niya pabalik.
Tataas na sana siya sa kanyang kwarto ng tawagin siya ng head matron ng bahay o ang pinakapunong tagapangalaga ng bahay.
“Miss Dreanara, mayroon po pa lang hinabilin ang iyong mom bago siya umalis,” wika ng babaeng mayroon na ring katandaan. Mamuti-muti na rin ang kanyang mga buhok at medyo kulubot na ang balata. Matagal na kasi siyang naninilbihan para sa mga Vragus. Sa katunayan, ito ang nag-alaga sa ama ni Dreanara noong bata pa ito, at simula noon hindi na ito umalis sa pamilya.
Lumingon naman ang dalaga at hinarap ang matrona.
“Ano po ‘yun manang?” magalang niyang tanong.
“Magpahinga raw po kayo ng maayos at maghanda para sa family dinner meeting niyo sa main house ng Vragus Family – ang mansiyon ng iyong lolo po. Mga bandang alas siyete po makakabalik ang iyong ina sapagkat may emergency silang inayos sa kumpanya at sabay na kayong tutungo doon,” mahabang paliwanag nito.
‘Family dinner meeting? Gosh! Nangangahulugan bang makakaharap ko na ng personal ang ibang miyembro ng pamilya?’ hindi maiwasang maisip ng dalaga.
“Mabuti na rin iyong nagkikita kayo paminsan-minsan. Hindi naman na kasi bumabata ang chairman para magkawatak-watak pa ang mga natitirang pamilya nito,” komento pa nito gamit ng pabulong pero abot na abot sa pandinig ng dalaga.
Hindi na nakapagtatakang maging ang mga kasama nila sa bahay ay aware sa nagaganap na hidwaan sa loob ng pamilya. Narinig niya kasi mula sa kwento ni Mrs. Vragus na nahati lamang ang kanilang malaking pamilya kasama ang chairman nang mag-uwi ng ibang pamilya ang matanda matapos ang pagkamatay ng una nitong asawa.
At hindi lamang niya ito panibagong asawa, kundi matagal na pala niya itong kabit sapagkat may anak rin ang mga ito na kasing edad na ng apo niya mula sa anak niyang lalaki sa kanyang unang asawa.
Sa galit at poot ay minabuting umalis na lamang sila at manirahan sa ibang bahay. Ito ang bahay na kasalukuyang kinaroroonan nila sa ngayon.
“Sige po manang. Taas na po ako sa kwarto,” pag-e-excuse niya sa sarili bago tumaas.
Ang pinakauna niyang ginawa pagkataas pa lamang niya ay ang mahiga sa kama.
“Haist. Nakakapagod rin talaga araw na ito,” hindi niya mapigilang usal. Mahaba-haba rin kasi ang oras ng pagbiyahe niya kanina lalo na at medyo ma-traffic pa sa daanan. Idagdag mo pa ang hindi inaasahang encounter nila ni Levisha sa labas ng restaurant at tsaka encounter ulot nil ani Maxen sa may parking lot.
Kung lang talaga tao si tadhana, baka pinanggugupit na niya ang buhok nito. Ano ba naman kasi at talagang hindi niya pinalampas na maging tahimik ang naging araw niya sa Vestria?
Hanggang sa hindi niya namalayan ay nakatulog na siya dahil sa pagod. Ito rin naman talaga ang bilin ni Mrs. Vragus na makapagpahinga siya upang magkaroon siya ng lakas na harapin ang ibang miyembro ng pamilya.
Hindi niya tuloy maiwasang ma-curious kung papaano ba talaga ang pakikitungo ng mga kapamilya ng tunay na Dreanara sa kanilang mag-ina. Magkaiba kaya ito sa kung paano magturingan ang dati niyang pamilya sa Vestria. Hindi na siya makapaghintay pa.
***
Mga bandang alas sais ng gabi nang maalimpungatan ang dalaga sa pagtunog ng kanyang selpon sa loob ng kanyang pouch.
Kaagad niya itong kinapa at napagtantong tumatawag pala ang kanyang ina. Mabilis niya naman itong sinagot.
“Hmmm… hello, mom?” bungad niya gamit ang medyo inaantok pa niyang boses.
“I see you’ve woken you up, dear. I’m sorry,” panimula nito mula sa kabilang linya. May mga ugong ng sasakyan din na maririnig sa background noises, palatandaan na nasa biyahe marahil ang ginang.
“Oh… okay lang po. Okay, na rin po ‘yun para makapaghanda ako,” sagot naman ni Dreanara.
“Alright then. ‘Yan din sana ang sasabihin ko that’s why I called but guess what you already need no reminding since you’re going to do it on your own.”
Napatawa naman ang mag-ina.
“Are you on the way, mom?” curious na tanong ng dalaga para kumpirmahin ang tansiya nito.
“Hell yes, dear. Actually, I’m stuck in the traffic jam,” medyo dismayadong pag-aamin ng ginang.
“Bear with it. You’ll reach home sooner before you realize it. Safe trip,” huling ani ng dalaga bago mamatay ang tawag.
Bumangon na siya at tsaka mabilis na nag-shower. Ito ang pinakaunang pagkakataon na personal na mami-meet niya ang ibang niyang kapamilya bilang si Dreanara kung kaya naman kailan niya talagang maghanda.
Habang nag-aayos sa harap ng salamin ay pilit niyang inaalala ang mga ikinuwento ni Mrs. Vragus sa kanya patungkol sa history ng pamilya, maging ang mga personality, hobbies, likes and dislikes ng bawat isa upang hindi siya mabukong impostor lamang ng tunay na Dreanara.
Medyo matagal-tagal na rin naman na hindi as in nagkakasama ng mag-lolo simula noong umalis sila sa mansiyon kung kaya naman ay magiging understandable kung may kaunting pagbabago sa kilos ng dalaga. Hindi ito kaagad paghihinalaan.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin sa bahay ang kanyang mom, na siyang kaagad ring nag-shower upang makapag-ayos sa sarili nitong kwarto.
Since isang family dinner ang dadaluhan nila ay pinili ni Dreanara na magsuot ng midi length na kulay baby pink na square neck puff sleeves body hugging dress. Katamtaman lamang ang lalim ng neckline cut nito, at hindi revealing na akma para sa isang family occasion.
Hindi naman kasi maitatangging mas gusto ng mga may katandaan ng mga tao ang makita ang kanilang mga kapamilya at apo sa mas disente at conserbatibong pananamit. She should never forget the ultimate goal kung bakit binigay sa kanyang ang mukha ng isang Dreanara Iris Vragus. Ito ay para siguraduhing makuha niya ang lahat ng mana na originally naman talaga para sa kanila at hindi sa kabit at anak sa labas ng chairman.
And in doing so, as Dreanara, she should always do her best to be at the best graces of her grandfather. Dapat gustuhin siya nito at gawing paboritong apo kaysa sa kaagaw nitong ikalawang anak ng chairman na si Jackson Vragus.
The next chairman of the great multi-billion Vragus Empire Group of Companies should come from the legitimate direct descendant of Emilia Vragus, the chairman’s first wife and legal wife and not from Estrella Vragus, the second wife.
Needless to say, the next chairman of the said empire should not be a MAN, but a WOMAN.
And that exact woman would be none other than her… Dreanara Iris Vragus.