Kabanata 39

2589 Words
Kinabukasan ay nagising na nakakasilaw na liwanag ng araw si Dreanara. Mataas na ang araw, hudyat na halos magtatanghali na rin. Awtomatikong napakapa siya ng kanyang mobile phone na huli niyang naalalang inilapag niya sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng kama kung saan rin nakapatong ang lampshade.   “Ugh!” bahagya siyang napangiwi sa kaunting sakit sa kanyang ulo dulot ng sobrang pagtulog. Kaagad niyang pinindot ang unlock button ng kanyang selpon upang tignan ang oras.   Hindi na siya nagulat nang mapagtantong alas dose y’ media na pala ng hapon. Talaga nga namang napasobra siya sa pagkakahiga. Ang normal morning waking up body clock niya simula noong nagising siya mula sa pagkaka-comatose ay 6 AM to 7 AM. Madalang lamang siyang lumampas ng 8 AM sapagkat mayroon siyang mga training na kailangang gawin upang mas magawa ng maayos ang pagiging clone ng anak ni Mrs. Vragus.   “Haist! Napasobra pala ako ng tulog ngayon,” mahina niyang usal sa sarili habang nag-uunat-uunat sa kama. Iba talaga kapag napapasobra ngtulog ang isang tao. Tila ba mas nagiging matamlay ang mga unang oras nila.   Kahit medyo wala sa tamang timpla ay pinilit ng dalaga na umupo at tumayo upang lisanin ang malambot at kaakit-akit na kama.   Pagkatayo niya ay hindi maiwasang mahagip ng kanyang mata ang maliit na note na nakadikit sa lampara na katabi ng kanyang kama. Kahit may kaunting pag-aalinlangan dulot ng masamang karanasan niya patungkol sa mga kasulatang iniiwan sa kanyang kwarto kagaya ng pinaiwan ng kanyang nanay-nanayan noon ay hindi pa rin natinag ang dalaga na abutin ito para basahin. Lalung-lalo na at baka galing ito kay Mrs. Vragus.   “Good mornig, dear! Hope you had a blastlast night. Nauna na kaming bumalik ni Manong Jules sa Bronton. Sorry for not waking you up, ija since you were soundly asleep kanina. I will just contact a nearby vehicle company to deliver you a brand-new Audi. They will leave the car key on the front desk. Just ask the receptionist there. Take care, my dear.”   -Your Mom   Iyon lahat ang nakasulat sa maliit na papel na iniwan para sa kanya. Yet again, hindi maiwasang maging nostalgic ni Hariet.   Morning note left on the table…   Prearranged car on the parking lot…   She didn’t know it until now but hindi niya maiwasang matayuan ng balahibo sa tila ba pagiging pamilyar ng mga kaganapan ngayong umaga.   The last time she did followed the instructed note/letter for her before, she ended up nearly dead and actually unconscious in a hospital bed for almost nine months long.   Pero lahat ng mga doubts at uncertainties ng dalaga ay dahan-dahang nawala ng mahagip muli ng kanyang mga mata ang dalawang salitang nakasulat sa pinakababang bahagi ng note na hawak niya.   “Your Mom…” malakas na pagbasa niya sa dalawang salita. Dito na niya hindi mapigilang mapaluha. Hindi dahil sa lungkot, pag-aalinlangan o anuman, bagkus ito ay sa dahil nakahanap siya ng lugar sa mundo kung saan masasabi niyang ligtas siya. Ang lugar na ito ay sa bisig ng kanyang panibagong ina bilang si Dreanara.   Hindi man sila tunay na magkadugo. At hindi man sila ganoon katagal na magkakakilala… ay hindi niya maitatangging mas nararamdaman niya ang koneksiyon at pagmamahal ng isang ina mula rito kumpara sa kinikilala niyang ina simula pa pagkabata.   ‘Maghunos dili ka nga, Hariet. Hindi na ikaw ang dating mahinang Hariet na lamang kagaya noon. Hindi na ikaw ang babaeng kay dali na lamang nilang tapak-tapakan kung nanaisin nila. Ikaw na ngayon ang pinabagong bersiyon na mas malakas at matatag na si Dreanara. Hindi ka na dapat basta na lamang nagpapadala sa iyong emosiyon,’ pagbubulyaw ng maliit na boses sa kanyang isipan.   Dito siya bahagyang nahimasmasan mula sa pag-o-overthink ng mga bagay-bagay at pagbibigay ng meaning sa mga nakikita niya at pagli-link sa mga ito sa kanyang malagim na nakaraan.   This time hindi na lamang siya nag-iisa sapagkat mayroon na siyang matatawag na inang magiging kasangga niya sa lahat ng mga bagay-bagay na kahaharapin niya.   Marahas niyang pinahid ang tubig na umagos sa kanyang mga mata at tsaka bumuntong hininga. Inikot niya ang kanyang mga mata sa buong lugar. Wala namang kung anong kahinahinala sa paligid.   Naglakad siya hanggang sa palabas ng balkonahe ng kanyang kwarto. Malayang tinangay ng hangin ang kanyang mahahabang kulay gintong mga buhok na ngayon ay bumabalik na sa pagiging wavy matapos itong ma-temporary straightened kagabi.   Pinasadahan niya ng tingin ang malawak at maunlad na kabuuan ng siyudad ng Vestria, kung saan siya pinanganak at lumaki. Siyudad na una niyang minahal, ngunit hindi siya minahal ng pabalik. Halos lahat na lamang ng mga kakilala niya rito sa siyudad na ito, kabila na ang kanyang pamilya ay hindi siya halos binigyan ng halaga.   “Vestria, you had been a witness of my pitiful life. I will make sure the next time I step in here back again; you will see a successful me!” matapang at determindo niyang giit sa sarili.   Now, more than ever… she felt the oozing power and will to really crushed Vestria’s greatest asset – that is the No. 1 Telecommunication Company in the country, the El Cuangco Channel… as like a real-blooded Vragus would do.   ***   Matapos ang madamdaming reflection ni Hariet sa balkonahe ay naligo na ito at naghanda para kumain sa dine in restaurant ng hotel.   Sobrang thoughtful rin ni Mrs. Vragus at pinalagyan ng spare outfits for the day ang kwarto ng dalaga bago pa man din ito sumibat pabalik sa Bronton para asikasuhan ang ilang mga bagay-bagay kung kaya naman ay naka-ready na lahat mg gagamitin nito.   Pagkatapos magawa ang morning routine ay lumabas ang dalaga sa kanyang kwarto at tinungo ang elevator. Pinindot niya ang floor kung saan naroon ang hotel restaurant kagaya ng nakasulat na maliit na flyers na iniwan rin sa kanyang kwarto ng mga staff. Pwede namang magpahatid na lamang ng pagkain sa kanyang kwarto pero nais niya rin talaga kasing personal na ma-experience ang dining services ng nasabing hotel.   Kung magiging heredera siya ng isang napakalaking kumpanya, mas maigi na ring tansiyahin niya ang kakayahan ng mga magiging kalaban o rival niya sa business. Kagaya rin kasi ng El Cuangcio Corporation na mayroong iba’t-ibang mga businesses maliban sa main business nitong telecommunication, mayroon din naman ang Vragus Empire.   Pagkababa pa lamang niya sa may elevator ay kaagad na siyang sinalubong ng isnag nakangiting staffs.   “Good afternoon, madame! Welcome to our exquisite dining hall, where all the best dishes in the world collides in place. Have a hearty meal, Madame!” anito gamit ang nakaka-refresh nitong boses.   Tinanguhan ito ng dalaga bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa isang empty seat sa gilid.   Naglalakad pa lang siya sa nasabing lamesa ng isa sa mga staffs na naka-standby lang kanina sa isang corner ay naglakad rin patungo sa direksiyon niya. At bago pa man din makarating sa mismong lamesa ang customer ay hinila na ng staff ang upuan para rito.   ‘Whoa!’ Hindi maiwasang ma-impress ni Hariet sa pagiging attentive at predictive ng mga tauhan.   Pagkuwa’y tumayo ang parehong staffs sa may gilid upang hintayin ang o-order-rin niya. Mabilis na binuklat ng dalaga ang menu at hindi niya halos maitago ang kanyang pagkamangha.   Medyo makapal-kapal kasi ang menu book at tila ba nahati-hati ang mga hanay sa loob base sa kung anong country of origin ang isang putahe. Mayroong section for Filipino Food, American Delicacies, French Cuisine, Italian Food, at Spanish Specialties.   Very committed at realistic ang linyahan ng front door receptionist nila sa may entrance.   ‘Welcome to our exquisite dining hall, where all the best dishes in the world collides in place. Have a hearty meal, Madame!’   Dahil sa nakakalulang dami ng mga putaheng nakalahad sa menu ay mas pinili na lamang niyang um-order ng simpleng Itallian Fettucini at tsaka freshly squeezed juice.   Now, she just needs to personally visit their own hotel restaurants to see if mayroon ba dapat i-improve doon o di kaya’y idadagdag para maging competitive and even way better pa sa mga services ng mga El Cuangco Corporation.   Gosh! Hindi pa siya pormal na pumpasok sa kumpanya nila ngunit nakakaramdam na siya ng malaking interest para sa pagpapaunlad rito. Ayon kasi kay Mrs. Vragus, sa susunod na linggo pa raw ito pormal na magsisimulang pumasok muli sa trabaho upang mabigyan pa siya ng more time na mas kilalanin at maging pamilyar sa mga miyembro ng boards of directors, shareholders, economic status report ng Vragus Empire, at sempre maging na rin ang mismong mga miyembro ng conglomerate family ng Vragus Clan.   Well, wala namang malaki sa bilang ng miyembro ng kanilang pamilya sapagkat ang chairman, ang second wife nito at ang anak nitong binata lang naman ang kaanib na hindi pa niya lubusang kilala. Sempre kasali na sa nasabing pamilya si Mrs. Leonara Vragus, ngunit hindi na niya ito need pang kilalanin pa ng maigi sapagkat magkakampi sila sa planong ito.   At dahil wala ng ibang gagawin sa Vestria ay minabuting magcheckout na lamang ni Hariet na hotel. Hawak ang kanyang purse ay nagsimula na itong maglakad palabas ng hotel dine in restaurant nang may makasalubong siyang hindi inaasahan sa mismong labas ng entrance.   Ito ay walang iba kundi ang kanyang half-sister na si Levisha Fernillo, na ngayon ay official fiancée na ng kanyang ex-husband. Kalalabas lamang nito sa may elevator booth.   Since wala naman siyang business dito ay minabuti niyang lampasan na lamang ito at magpatuloy sa paglalakad.   With her short temper nature ay hindi maiwasang mapangiwi sa inis at asar si Levisha. Tanghaling-tanghali ay makakasalubong ba naman niya ang isa sa kinaiinitan ng mga mata niya kagabi sa party.   Well, nakarating kasi ang balita sa kanya ang patungkol sap ag-standing ovation ng mga bisita niya sa naratibong sinagot ng dalaga sa tanong ng second majority shareholder ng El Cuangco Corporation. Sino ba namang hindi maiinis na para bang inigawan siya ng spotlight sa sariling engagement party niya.   At ang pinakamalala pa sa lahat…   Nakita niya mismo gamit ang kanyang dalawang mga mata ang paghatid ng kanyang fiancé kay Dreanara sa upuan nito na mayroong sense of care sa mga mata nito. Nakakaselos lang sapagkat halos hindi siya kinausap ng lalaki buong magdamag ngunit makikita niya itong nakangiting nakikipag-usap sa ibang babae.   At hindi lamang ito isang simpleng babae lamang, bagkus isa itong dalaga na kaedaran nila. Kung sina isa lamang itong isang ginang ay baka hindi pa pag-iisipan ng masama ni Levisha.   “Hold on!” malakas na pagtawag ni Miss Fernillo sa heiress ng Vragus Empire.   Napangisi si Dreanara. Batid niyang napagselos niya ang dating kapatid kagabi. They used to live in one house since they were children at kilalang-kilala niya ang nature ng kanyang ate. Gusto nitong sa kanya lahat ng atensiyon at ayaw na ayaw niyang nasasapawan siya. And that was exactly what she did last night.   After almost two decades ng buhay niya na palagi na lamang siyang hinahamak ng kapatid, sa wakas ngayon ay nagagawa na rin niya itong ibalik sa kanya. Gone are the days that she was below her sister for now, they are in equal footing. And maybe…kung sa tutuusin ay baka nasa mas mataas na ang katayuan niya since isa siyang heredera ng isang napakalaking kumpanya. Walang-walang sinabi ang kakarampot na yaman ng mga Fernillo sa yaman ng mga Vragus.   “Are you talking to me?” confident niyang sagot na mas nakapagpaigti ng inis ni Levisha.   “Malamang. Who else should I be talking to, b***h?” bulyaw nito habang naglalakad palapit kay Dreanara.   Dito napataas ng kilay ang Vragus heiress. She always knows how blunt her sister’s mouth can be pero ‘yung pagsalitaan niya talaga ng masama ang isang heredera ng malaking kumpanya ay lubhang nakakagulat pa rin. Not to mention, may ilang mga staffs na malapit at maaaring makinig sa kanila.     Tumalikod siya at akmang iiwanan ang bastos at walang modong kausap nang tinakbo siya nito at literal na hinala pabalik.   “I am talking to you, and yet you dare to just walk away from me! Where is your manner?!” Umuusok na ang ilong nito sa asar at galit. Mabuti na lamang at walang katao-tao sa hallway na maaring maging witness ng eskandalong ito.   Kung may itataas pa ang kilay ni Dreanara ay malamang baka abut-abot na ito hanggang langit.   “The irony on your words, huh. I can’t believe you.  Tinatanong mo ako on my manners when in fact you’re the one who disrespected me first.” Hindi makapaniwalanga asik ng Vragus heiress.   Dedepensa na sana si Levisha ng pigilan siya nito.   “To remind you, you just called me a freaking b***h when you barely even know me at all, Miss Fernillo,” pambabara ni Dreanara sa kausap.   “Whatever,” tanging tugon ni Levisha bago magpatuloy sa main agenda kung bakit niya linapitan ang dalaga.   Humakbang ito ng ilan pang mga steps upang ibulong ang nais niyang sabihin. She does not want anyone else to hear her say what she was about to say since it reflects how insecure she was towards the Vragus heiress.   “I just wanna remind you to stay away from my fiancé or else…” pagbabanta nito habang nakasuot ng malamig at seryosong ekspresiyon.   Humakbang patras si Dreanara upang mag-set ng distansiya sa babae. Mahirap na, baka baka pisikal na sugurin siya nito dahil sa isusumbat niya.   “Or else what?” pang-aasar niya.   Dito naman literal na napaigti ang mga panga ni Levisha. Right. She never did expect na magiging madali lamang takutin ang babaeng kaharap niya ngayon.   For some reason, feeling niya pamilyar ang aura ni Dreanara, but for some reason din… hindi niya maiwasang ma-threaten sa familiarity ng aura na ito.    Literal na binato siya ng nakamamatay na tingin ng dati niyang kapatid.   “You won’t want to hear my answer, do you?” pagbabalik tanong ni Levisha.   “You’ll make sure I’ll die just like what happened to your little sister?” Parehong matalim ring mga tingin ang ipinukol ni Dreanara pabalik.   Awtomatikong tumaas ang mga dugo ni Levisha sa narinig. She does not want to hear anymore about it. It’s not like she has any idea about what really happened to her.   “Shut up!” hindi nito mapigilang bulyaw sa inis at galit.   Hindi naman nagpatinag ang Vragus heiress. Personally, pagod na si Hariet na palagi na lamang natatalo. Pagod na siyang palagi na lamang sumusunod sa utos at nais ng kanyang ate. Pagod na pagod na siyang masigaw-sigawan na lamang!   “I will shut up because I want to and not because you told me to!” hindi niya mapigilang sigaw pabalik. Even her training on classiness can sometimes be forgotten kapag na-trigger rin talaga ang personal upbringing sa kanyang nakaraan.   Aminado ang dalaga na medyo nawawala na niya ang kanyang poise pero since nasimulan naman na niya. Bakit hindi pa niya tapusin ‘di ba?   Siya naman ngayon ang humakbang papalapit sa dating kapatid. Pinukulan niya ito ng masamang tingin. ‘This is all for everything you’ve done bad on me when I am weak and helpless,’ tahimik na ani nito sa kanyang isipan.   “Be wary of your man lalo’t hindi pa kayo kasal. Kung ang asawa nga naagaw, finace pa kaya,” huling pagbabanta niya bago tumalikod at umalis.   Naiwan lamang na nakatunganga at nanginginig sa galit at pagkasuklam si Levisha na hindi halos alam kung ano ang dapat niyang gawin. She seriously sees her as a real threat on her dream of marrying the only heir of El Cuangco Corporation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD