Hindi naman nagtaggal ay nagsidatingan na ang ilang mga guests at pormal na ring sinimulan ang party. Una ay pinaunlakan lahat ng MC ang mga importante at malalaking pangalan na dumalo ng gabing iyon, bago ibigay sa matandang El Cuangco ang mikropono para sa opening remarks.
“A wonderful night to everyone, ladies and gentlemen! The El Cuangco Hotel and Casino is very much overwhelmed with all your presence. Let’s give it up the stage to the respectable and ever-young Chairman of the El Cuangco’s Corporation- Mr. Maven Alexus El Cuangco, to formally welcome us all here!” energetikong wika ng batang-batang MC na sinundan ng masigabong palakpakan mula sa madla.
Doon naman tumayo ang matanda sa kinauupuan niya at sa pag-aalalay ng personal assistant at seekretarya niyang si Mr. Gano ay nakatayo siya sa may lectern sa harapan kung saan nakalagay ang stand-in microphone.
Nanahimik ang lahat at hinintay ang sasabihin nito.
“Ahem… Alright, everyone. Welcome to the famed and worldclass quality, The El Cuangco Hotel and Casino! This has always been one of the vital businesses of our dear corporation alongside the No. 1 Telecommunication El Cuangco’s Channel…”
Hindi naman maiwasang mapataas ng kilay si Mrs. Vragus sa narinig. Sa industriya ng telecommunication kasi nagkakasalpukan ang interest ng kanyang pamilya sa pamilya ng matanda. Simula pa man noong unang magkasabay na itinayo ang mga telecommucincation satellites ng dalawang angkan na ito ay nag-uunahan sila sa ratings.
And lately, for the past three years ay naging consistent na Top 1 ang El Cuangco Telecommunication Channel. Kung noon ay dikit na dikit lamang ang laban, sa mga nakaraan taon ay medyo lumalayo ang agwat nilang dalawa. All that Old Mr. El Cunagco said was true, only that it does not sound pleasing to a Vragus’s ear.
“Stop with the business talks already since we are here for a very special ocassion,” muling ani ng El Cunangco’s chairman at tsaka humalakhak ng kaunti. “It was not a secret that my grandson’s first marriage was not a successful one since his wife perishes in an unfortunate plane crash…”
Bahagyang nanahimik ang lahat. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa itong sensitibong topic kaugnay sa apo ng chairman. Hindi nga ito halos ilinabas sa publiko upang maiwasang ang kung anu-anong mga kwento-kwento na maari nanamang iugnay sa pangyayaring ito.
Maging si Hariet ay hindi maiwasang medyo manlamig sa kanyang kinauupuan. Iba kasi talagag marinig mong harap-harapang sabihin ng ibang taong patay ka na gayong buhay na buhay ka pa naman at humihingi. Kahit alam niyang walang ibang nakakaalam, liban na lamang kay Mrs. Vragus, ng tunay niyang katauhan ay hindi niya pa rin maiwasang kabahin.
Paano na lamang kapag pagpiyestahan ng mga natipon ang alegasiyon ng pakikipagtanan niya sa ibang lalaki kuno kagaya ng nakalap sa imbestigasiyon ng tao ng kanyang ina-inahan ngayon? Alam niyang hindi ito totoo pero para sa ibang tao na makakarinig ng gawa-gawang kwentong ito ay magiging katotohanan para sa kanila.
Mabuti na lamang at hindi na nagbigay ng alin pa mang details o komnento ang nagsasalita sa harapan sapagkat hindi rin naman magiging maganda sa imahe ng kanyang apo ang malaman ng publiko na ipinagpalit ito sa iba ayon sa gawang-gawang kwento na alam ng iilan.
“However, it’s all in the past. And I do not want to hear anymore of it, not specially when we are here to celebrate the engagement of my apo to the first daughter of Mr. and Mrs. Fernillo…
“Levisha, dear… you should come in front and also you Maxen Rocco. Let the people acknowledge you’re both with us tonight,” ani pa nito.
Tumayo naman sa kinauupuan ang binatang natawag at naglakad papunta sa harapan. Mula sa isang sulok naman ay lumabas rin si Levisha na ngayon ay nakasuot ng kulay white na mahabang mermaid dress na may magkabilang butas sa bewang nito. Nakalugay rin ang itim na buhok nito na hanggang bewang niya.
The two meets in front and as instructed, they smiled at the guests gathered around.
For the past nine months na pilit na pinatrabaho ng matandang El Cuangco ang apo sa kanyang kumpanya bilang isang regular na empleyado ay natutunan nitong maging kaunting responsable at sumunod sa mga payo at nais ng kanyang natitirang pamilya.
Though minsan talaga ay hindi niya napipigilan ang sariling bumalik sa dating nakasanayang ugali – ang pagiging happy-go-lucky niya. Kagaya na lang kanina kung saan hindi niya napigilan ang sariling mapainom ng alak kahit na alam niyang may mahalagang event siyang dadaluhan ngayong gabi. At hindi lang ito bastang event na dadaluhan sapagkat pagbibidahan niya ito. He’s one of the night’s celebrants to start with.
Kusa namang namang nagpalakpakan ang mga nagsitipon, at para hindi mahalatang medyo hindi pabor sa mga pangyayari ay napilitan ring makipalakpak ni Dreanara kasama ang lahat.
Hindi rin kasi siya sigurado kung nagseselos ba siya sa nakikita, o sadyang natatapakan lamang ang ego niya. All her life palagi na lamang nakukuha ng nakatatanda niyang kapatid ang mga bagay nan ais niya sana. And the only time na naungusan niya ito ay noong naiksal siya sa isang mayamang angkan.
But now… pati ang natatanging bagay na maari niya sanang maipagmalaki ay ngayon ay mapapasakamay na rin ng kanyang ate Levisha. Just how twisted and grim fate was to her.
Nagpatuluy-tuloy pa ang mahaba-habang speech ng matandang El Cuangco sa harap hanggang sa mapagod na siguro ito at nagpaalam na rin.
“… I know you already got enough from this old folk’s voice. Ibibigay ko na ang mikropono sa ating master’s of ceremony. Once again, welcome ladies and gentlemen to our humble place. Enjoy the party!” pagtatapos nito bago lumapit si Mr. Gano para alalayan ito sa pagbaba sa maliit na hagdan pababa ng stage.
Medyo bubbly at pa-Conyo lang magsalita ang chairman pero pagdating sa mga bagay na related sa business ay strickto ito at kritikal. Hindi basta pumapasok sa mga deals at kasunduan ng hindi nakasisiguradong makakakuha ng mas malaking benefit ang kailang kumpanya kaysa sa risks na malugi.
Matapos ito ay nagsimula ng ipasok ng mga uniformed waiters and waitress ang mga putahe. Parang sa mga five stars restaurant lang din na may iba’t-ibang course ang dishes kung saan may sariling spoon at fork ang nakalaan para sa bawat course ng pagkain.
Hindi nga talaga biro ang pagsabi ng chairman na worldclass quality ang hotel na ito maging serbisyo nila sa mga panauhin. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may alam siya patungkol sa proper tablet and eating etiquette. Kahit naman papaano ay naituro ito sa kanya noong bata pa lamang siya sa kanilang bahay.
Nagsimula na silang kumain kasama ang ilang mga guests na naki-join sa table nila. Isa na rito si Ms. Evangesta, isang middle-aged lady na mayroong oriental beauty. Itim ang mga mat ana may pagkasingkit at itim na itim rin ang kulay ng kanyang mga buhok. Mukha itong striktong ginang pero kapag nakuha mo na ang timpla nito ay magaan lamang ito kausap. It turns out isa ito sa second majority shareholder ng El Cuangco Corporation.
“I didn’t know you would come tonight, Mrs. Vragus. I mean, since the growing tension between our companies, you rarely attend social gathering like this so I am guessing what’s the difference tonight?” prangkang tanong nito ng harap-harapan.
“I mean, don’t get me wrong ha. Everyone already knows how frank and staright forward I am. Wala lang na-curious lang talaga ako kung ano ang rason bakit nakadalo ka ngayon. Not to mention, you have this very gorgeous and sexy daughter of yours alongside you,” dagdag pa nito sabay tapon ng pagkalaki-laking ngiti kay Dreanara.
Isa kasi itong matandang dalaga. Mailap sa mga lalaki hanggang sa wala na siyang mahanapang papasa sa kanyang standard kung kaya naman matagal na niyang ikinali sa lupa ang kagustuhan niyang makapangasawa ng ideal man niya, bagkus, nais na lamang niyang magkaroon ng maganda at butihing anak. And Mrs. Vragus’s daughter couldn’t help but to be impressed by her with merely its beauty.
Natawa naman bahagya si Leonora. Well, the woman was talking to her but all along sa anak niya ito nakatingin. It only shows kung gaano nanggigigil na rin sanang magkaroon ng sariling anak ang ginang.
“Na-ah. You know what, I received the same question from a woman earlier,” anito patungkol kay Mrs. Fernillo na una ring nag-express ng ganitong katanungan sa kanyan. “No definite reasons, actually. Since kababalik lamang ni Dreanara from her business training in the States, she wanted to join some local gatherings and it happens that this particular event was the closest date since the arrival of my daughter in the country. I don’t see why people are making such a fuss over it,” mahabang paliwanag ng ginang gamit ang hinabi-habing fake story nila para i-cover up ang halos siyam na buwan na pagkawala ng kanyang anak sa spotlight.
“Well, understood. It was also about time to build a friendly image between the El Cuangco’s Corporation and Vragus Empire. In the end of the day, we are all businessmen running towards only one thing. What do you think was that one thing, young lady?” pagbaling ng tanong ni Ms. Evangesta kay Dreanara. Sinusubok siguro nito ang attentiveness at wit ng dalaga.
Confident namang ngumiti ang dalaga bago sumagot.
“Power,” maikling sagot nito.
Napangisi naman ang dalwang ginang sapagkat may substance ang naging sagot ng dilag. Ang magiging common na sagot sa tanong would be money, profit or wealth, but Hariet proves she was not part of the ordinary bracket.
“How do you say so? In business, we either sell goods or services in exchange of money. Hindi ba’t mas nararapat na sagot ay profit or money?” paglalarawan ni Mrs. Evangesta ngunit hindi nagpatinag si Dreanara.
The real Dreanara has a strong sense of principle at alam ito ni Hariet kung kaya naman pinanindigan niya ang kanyang sagot.
“Technically, yes. Businessmen are after money. But looking outside the box and considering the big picture, what does this money gives to people. Wasn’t it power? Hindi ba’t kapag may pera ka you have the power to purchase whatever the hell you want and power to live a luxurious life. In fact, in a twisted manner, you can even buy a person’s worth and have a power over his/her being….
“Moreover, all the benefits of money come down to one thing. And that is ‘power’,” pagtatapos ni Dreanara sa kanyang paliwanag.
Dito naman hindi napigilan ng second majority shareholders ng El Cuangco Corporation ang mapa-standing ovation sa naging sagot nito. Tumayo ito at pumalakpak.
Sa mga moment na ito lang din napansin ng dalaga na mayroong pala silang maliit na audience, ang kanilang mga karatig table na kanina pa pala nakikinig sa conversations sa table nila. Hindi rin kasi maitatangging natural na may kalakasan ang boses ni Mrs. Evangesta sa kabila ng maliit nitong height.
Dumagdag pa ang standing ovation na-recive niya.
“Bravo! Bravo!” masayang ani ng ginang na sinang-ayunan ng lahat ng mga nakinig sa sagot ng dalaga.
“I guess, El Cuangco Corporation should better watch out for Vragus Empire’s revival when your daughter succeeded the chairmanship,” skeptical na dagdag pa nito.
“Though, we also have an amazing heir in our hands. The chairman’s grandson was actually starting to get serious with the family business,” dagdag pa nito saby kindat kay Mrs. Vragus.
“Bring it on. We, adults would just have to watched our younger generations take over the big companies we’ve been guarding when we are at their youthful ages,” tanging sagot nito.
“I would make sure to never bring you down, mom,” pag-a-assure ni Dreanara sa ina.
Hindi nagtagal ay natapos na rin sa wakas ang halos walong course ng food na sinerve. Nagsimula na ring mag-ikut-ikot ang mga guests upang makapanayam ang ibang mga bisita. Sa business world naman kasi, halos lahat ng mga pagtitipon o pagdiriwang nag anito ay business motivated.
Kinukuha ng mga lumalahok ang pagkakataong ito na mas paigtingin pa ang relasyon nila sa isa’t isa. Ang iba nga ay nakakahanap ng mga kasosiyo sa negosiyo. Hindi lang talaga para dumalo sa kung anong event ang ipinupunta nila, kundi para i-serve na rin ang kanilang pansariling interes.
Pero sempre sa kabila nito ay hindi pa rin naman nasasapawan ang tunay na pakay ng party sapagkat kusang nag-iikot din ang mag-fiancee at fiancé upang pakumustahan ang kanilang mga bisita.
Nang makalahati na ang gabi ay nakaramdam ng pagkaihi si Dreanara/Hariet kung kaya naman nagpaalam ito sa ginang na gagamitin niya lamang ang CR. Isa pa halatang nae-enjoy ng kanyang mommy ang pakikichika kina Mrs. Evangesta at iba pang mga ka-age nito na tila ba hindi sila magkakakompetensiya sa business.
“Kindly excuse me, ladies. I have to use the comfort room,” pagpapaumanhin niya bilang respeto bago tumayo sa kanyang upuan at hanapin ang CR.
Itinaas niya ang kanyang kamay upang tawagin ang atensiyon ng isang waitress may hindi kalayuan na nakatambay para sa kung anong utos o request ang hingin ng mga bisita. Kaagad naman nitong nakita ang dalaga at mabilis na lumapit.
“How may I help you, Ma’am?” magalang na tanong nito.
“I am wondering if you could usher me to the CR,” sagot naman ni Dreanara.
“Sure, Ma’am. This way. Just follow me.” Nagsimula ng maglakad ang waitress hanggang sa makarating sila sa sulok kung saan may dalawang door. Isang panlalakeng CR at isang pambabae.
“Alright. Thanks. You can leave me now,” wika ni Dreanara bago pumasok sa loob. Yumuko naman ang babae bilang paggalang bago umalis.
She did her private things at tsaka nag-retouch na rin ng makeup niya. Magdadalawang oras na rin kasi simula noong dumating sila sa venue.
‘Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magiging ganito lang pala kagaan ang gabing ito,’ anito sa sarili. Kahit namab papaano ay hindi pa niya nakakakruz ng landas ang kanyang ama, kapatid, stepmom, at ex-husband liban na lamang noong unang dating nila. Maliban nang pagkakataong iyon, naging maganda naman na ang naging takbo ng gabi niya.
And never did she ever imagine na paglabas niya ng comfort room, ang tila ba normal na takbo ng kanyang gabi ay naging abnormal.
Paano ba naman kasi noong saktong buksan niya ang pintuan palabas ay ganoon din ang saktong nangyari sa pintuan sa kabila. At pagtapak niya sa labas ay hindi niya inaasahang makita niya ang isa sa pinakaayaw niya sanang makakruz ulit ng landas ng gabing iyon.
“Oh, Dreanara Iris!” gulat na pagbati ng binata sa kanya. Halatang pareho nitong hindi rin inaasahan ang pagtatagpo nila sa labas ng comfort room.
“H-Hi, Maxen,” medyo awkward pang bati pabalik ng dalaga.
‘Gosh! Bakit ba ko nauutal? At bakit ko ba kasi kinailangang lumabas sa saktong moment na lalabas rin ito mula sa CR nilang mga lalaki? Ugh! Get yourself together, Hariet. You are Dreanara Iris!’ pagpapaalala muli ng kanyang isipan.
“Fancy to see you again. I didn’t get a chance to formally introduce my name earlier,” panimula nito. Right, bumukas kasi ang elevator kanina bago pa man din ito makapagpakilala ng maayos.
“So, as a gentleman I guess I owe you a proper self introduction.” Bahagya pa itong napatawa ng maliit. “By the way my name is Maxen Rocco El Cuangco, and it’s so nice meeting my future rival,” pagpapakilala nito na my halong biro sabay lahad ng kanyang kamay for a proper shakehand like newly met people do.
Hindi naman mapigilan ni Dreanara na matawa. Bakit parang napaka-straight forward naman ng mga tao ngayong gabi? Well, except sa kanyang stepmother na napakagaling makipagplastikan.
“Likewise,” sagot niya. Inabot niya ang kamay ng lalaki at halos pagsisihan niya lahat ito. To be skin and skin with the man whom she used to call his husband for one day and one night, reminds her of all the little sweet things that happened between them na hindi niya maitatangging nakapag-flutter at nakapagpabilis ng takbo ng kanyang dibdib.
Tila ba naging awtomatiko sa memorya ng dalaga na i-replay muli kung paano sila pinakaunang nagkita. Iyon ay noong naglalakad siya sa may aisle patungo sa altar ng Panginoon. Tapos ang nakakatawa pa ay akala ng lahat sa isang matanda siya ikakasal, iyon pala ay sa batang-batang binatilyo pala.
Hindi rin makaligtas sa replay ng isipan niya ang mismong ‘I do’ na pareho nilang binatawan at sinumpaan sa harap ng Diyos at harap ng maraming tao. Maging ang mainit na halik nito sa kanyang pisngi na nakapagpamula ng kanyang mukha. Ang mga naging sayawan at maiikling kwentuhan nila sa reception ng kasal.
At sa wakas, ang intimate na pagsasama nila sa iisang kwarto para sana sa kanilang honeymoon. Naalala niya ang aphrosidiac wine raw na nakapagpapataas ng s*x drive ng sino mang iinom nito at kung paano niya gosh mapusok na hinalikan at tinuksu-tukso ang kanyang asawa ngunit sa huli ay mas pinili siyang irespeto at hindi galawin.
“Hey… are you okay? Why are you crying?”
Napabalik lamang sa ulirat ang dalaga nang marinig niya ang boses ng binata.
‘Wait- what? Me? Crying?’
Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay upang pigilan na ang kung anong nostalgic effect na dinudulot nito sa kanyang kaibuturan.
“Oh, was I crying?” hindi makapaniwalang asik niya sabay magmadaling punasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay nang abutan siya ng puting handkerchief ni Maxen.
“Here, use this. Be careful not to smudge your makeup on,” paalala pa nito gamit ang calm nitong boses.
‘Dang it, Maxen! Stop being so nice when you immediately believe the lies aginst me,’ hindi maiwasang mapamura ng dalaga sa loob-loob ng kanyang isipan. ‘And self, come one. Get yourself together! Dreanara Iris Vragus does not crook just so easily. Don’t be such a cry baby.’
Kinabig niya ang panyo at tsaka tumingala na lamang sa taas. Sabi nila, isa itong epektibong paraan para pigilin ang saganang pag-agos ng luha sa mga mata kapag ayaw ng lumuha pa.
“No, thanks. I can handle myself just fine. Napulikat lamang ako,” palusot niya habang pinupunasan ang mga naunang luha na nakawala sa kanyang mata.
Hindi naman maiwasang bahagyang mapaisip ni Maxen kung bakit bigla na lamang naluha ang Vragus heiress sa harapan niya. According sa mga nababasa niyang articles patungkol dito ay isa itong strong, independent, smart and confident woman.
Hindi naman siya naniniwalang napulikat lamang ang mga mata niya. The amount of water that fell from her eyes are way beyond the limit of a typical luha para sa napulikat na mata. He’s not buying her alibi. Not at all. Only child will, pero pinili pa rin niyang tumahimik upang hindi ma-awkward-an ang dalaga.
“If that’s what you say so,” tanging sumbat nito. “But, at least let me accompany you back to your table. I don’t want people to get the wrong idea that I made a beauty cry,” dagdag pa nito.
Hindi na pumalag pa si Dreanara at hinayaang samahan siya ng binata hanggang sa makarating siya sa kinauupuan kanina kasama ang kanyang ina at mga kakwentuhan nito.
Pero hindi niya maiwasang mapansin ang masamang tingin na ipinupukol ni Levisha sa kanya sa may hindi kalayuan. Iba kasi talaga kapag may matagal na tumititig sa iyo, unconsciously mo silang nararamdaman.
“Oh dear, what took you so long? I nearly thought something bad might have happened back there,” pagtatapat ni Mrs. Vragus sa pag-aalalang naramdaman niya kanina. She’s just so done on losing all the important people in her life kaya hindi niya maiwasang maging praning at overthinking din talaga minsan.
“My apologies, Mrs. Vragus since I took some of the precious time of your daughter. Just had some proper name introductions,” pagpapaliwanag ng binata nang bigyan siya ng ilang malisyosong tingin ng ibang mga guests.
“Alright. Such a sensible young man, your grandfather must be very proud of you,” pakiwari na lamang ni Mrs. Evangesta upang balingin ang atensiyon ng lahat.
Magalang na nagpaalam na si Maxen sa mga nakaupo sa table nila Dreanara bago umalis upang saluhan ang table ng kanyang fiancée at mga magulang nito. Iyon naman talaga ang isa sa mga purposes ng pagdiriwang na ito – ang paigtingin din ang relasiyon niya sa pamilya ng mapapangasawa niya.
Minsan na nga niya silang naging mga in-laws pero sa biglaang paraan naman sapagkat halos rinush lamang ng kanyang lolo lahat ng preparations. This time naman ay nais ng kanyang lolo na sundin ang step by step process ng pagpapakasal, believing na hindi na muling mauulit ang misfortune ng apo sa mapapangasawa nito.
Mabilis na gumalaw ang oras hanggang sa maghaitinggabi na kung saan kinailangan ng magpahinga ng mga guests na dumalo.
Since malayu-layo ang biyahe from Vestria to Bronton ay mas minaige nila Mrs. Vragus at Dreanara na mag-check in na lamang sa may hotel sa magka-separate na room. Binigyan rin ni Mrs. Vragus ng sariling kwarto sa hotel ang family driver nil ana naghatid sa kanila sa Vestria.
Hindi naman ata pwedeng matulog na lamang sa loob ng limousine ang kanilang kasama habang nagpapasarap sila sa loob ng maayos, maaliwalas at malambot na kama ng hotel. Bukas na lamang sila magbibiyahe pabalik sa Bronton para dumalo sa lingguhang misa.