Kabanata 19

241 Words
Madaling araw ay naalimpungatan si Hariet nang makaramdam siya ng mahinang kalabit sa kanyang balikat kasabay ng mahinang pagbulong sa kanyang tenga na kumalma lang ito. Nag-aalanganin siyang iminulat ang kanyang mga mata dahil sa magkahalong kaba at takot sa kanyang dibdib. Ano’t sa mundo ba at biglaan na lamang magkakaroon ng ibang tao sa loob ng hotel room nilang mag-asawa? Kahit hindi pa tinitignan, batid ng dalaga na isang boses ng babae ang bumabulong sa kanyang tenga. Idagdag mo na rin ang magaan nitong mga kamay na nakadampi sa kanyang balakit. Kamay ito ng isang babae. Hindi tuloy niya maiwasang mapaisip ng posibleng kadahilanan at narito ito ngayon. ‘Ito ba’y isnag magnanakaw?’ tanong niya sa kanyang sarili na mabilis rin naman niyang iwinaksi sapagkat wala namang matinong magnanakaw ang manggigising pa ng nanakawan niya kapag nagkataon. Isa pa, hindi basta-basta ang seguridad ng hotel na ito. Partida isa ito sa pinakamahal, pinkasikat at pinakamagarbong hotel sa siyudad. Mabilis na naliwanagan si Hariet ng nang nagwika ito. “Shhhh… huwag kang mag-alala, Mrs. El Cuangco. Ako ay ipinadala lamang ng iyong inang si Mrs. Fernillo,” mahinang bulong nito sa pinakamababang boses na makakaya niya. Ito ay upang hindi gisingin ang mahimbing na natutulog na lalaki sa may couch. Dito na nagkaroon ng lakas ng loob si Hariet na magmulat ng mata upang harapin ang estrangherang bigla na lamang sumulpot sa kanilang kwarto. Hindi niya maiwasang mapakunot noo sa nalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD