Chapter Sixty-two Nagising ako dahil sa bulungan ng dalawang nurse na nagbabantay sa akin. Masakit pa rin ang katawan ko na para bang binugbog ako ng sampung tao kaya hindi pa gaanong nakakakilos. Pasimpleng tinignan ko ang mga ito. Saka muling pumikit pero gising na gising ang diwa. "Narinig ko na 30 million ang bayad ni Sir Mackenzie sa apat na doctor na iyon. Each. Girl, each. Sobrang yaman ni Sir Mackenzie." "Alam mo nagtataka ako kung bakit handang gumastos si Sir Mackenzie ng gano'n para sa bata. Kaano-ano ba niya ang mag-inang iyan? Kung susumahin ay aabot ng 110 million ang gastos niya. Hindi basta-basta ang mga doctor na kinuha niya para sa bata. Handa siyang maglustay ng gano'n kalaki para sa taong hindi naman yata niya kadugo." "Iyon nga. Nagtataka rin ako, girl. Sayang ang

