Chapter Sixty-one Nagmulat ako ng mata. Hindi ako makagalaw pero pinilit ko. May mga nurse na agad pumigil sa akin. "Relax... relax ka muna," ani ng isang nurse. "A-very... si A-very..." hirap man magsalita pero naisip ko agad hanapin ang anak ko. "A-very," tawag ko sa bata. "Ma'am, kailangan n'yo po munang kumalma. Inaasikaso na po ang anak ninyo---" "K-ailangan ko siyang m-akita," nagpumiglas ako sa hawak nila. "Dadalhin ka namin sa kanya pero kailangan mong kumalma," seryosong ani ng isa. Agad ko namang itinigil ang pagpupumiglas ko. "Please... d-alhin n'yo ako sa anak ko. Nagmamakaawa ako sa inyo," iyak ko. May cast pa ang paa ko. Pero talagang nagpumilit ako. Kaya naman isinakay nila ako sa wheelchair. Pagala-gala ang tingin ko. Nagdarasal na sana'y ayos lang ang anak ko. Nang

