60

1454 Words

Chapter Sixty Maaga akong nagising. Kahit masama ang pakiramdam ko'y pinilit kong bumangon dahil kailangan naming maghanap ni Avery ng matutuluyan na pasok sa budget namin. Nagbihis agad ako habang ang anak ko na nakapantulog ay binihisan ko na lang muna ng jacket. Tulog pa rin ang bata kaya naman binuhat ko na lang din. Nang bumaba kami sa unang palapag ay tinungo ko agad ang front desk para makapag-checkout na. "Ma'am, may 5 days po kayong free sa hotel na ito. Iyon po ang bilin ni Sir Eric. Sayang naman po kung aalis na kayo ngayon." "Pero nakakahiya naman---" "May bagyo po, ma'am. Ang mga kalsada paglabas mo sa area na ito ay baha. Titila man po ang ulan ay tiyak na may bagyong kasunod ayon sa PAG-ASA. Dito na po muna kayo, ma'am. Free breakfast, lunch, and dinner din po rito."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD