Chapter Fifty-nine Para ng sasabog ang ulo ko sa mga information na nabasa ko sa social media. Gusto ko na namang umiyak pero hindi ko magawa dahil nasa sala lang din si Avery at Mackenzie. In-screeshot ko ang mga information na nakita ko. Pati iyong date ng huling laban nito kung saan ay puro pasa siya at bugbog sarado naman iyong lalaki sa larawang ipinakita niya. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ko iyon. Epekto ng panibag9ng betrayal sa akin. "Lia?" tawag ni Mackenzie. Nakatingin na ito sa akin. Kitang-kita nito kung paano nanginig ang kamay ko habang nag-e-screenshot. Agad kong itinigil ang ginagawa ko. Hindi pa man nadudugtungan ni Mackenzie ang nais sabihin ay nag-ring na ang phone nito. Nang sagutin niya ay nanlaki pa ang mata niya habang nakikinig sa usapan. Nagmadali d

