Chapter Seventy-seven "Girls, sigurado ba kayo na gusto ninyong sumali?" naninigurong tanong ng host. "Yes!" sabay-sabay na ani namin. "1 million ang premyo. Oras na mahulaan ninyo ang laman ng box ay makukuha ninyo ang premyo na sponsor ni Mrs. Keia Angela Zimmer." Napapalakpak kami. Excited ako. Dito na yata ako magiging milyonaryo. "Bibigyan ko pa kayo ng chance para umurong. Pero kung ayaw n'yong umurong ay pwede namang tawagin n'yo na lang ang representative ninyo. Makipag-swap kayo," saktong napatingin ako sa kahon. May ulong sumilip din. Tiyak ako sa nakita ako. Ahas iyon. Hindi lang ako ang nakakita. Pati na ang mga ibang girls. Kaya sobrang bilis ng mga pangyayari. Kung kanina ay all girls ang nasa harap, ngayon ay all boys na. Kasama ang asawa ko roon na napapakamot sa u

