Chapter Seventy-eight Tiniyak ng mga kapatid ni Mackenzie na kahit wala ang lalaki sa tabi namin ay included kami sa mga events sa Hombre Fuerte Homes. Coffee date, movie nights, at kahit pool party ay kasali kami ni Avery. Nakikita ko kung gaano kasaya ang anak ko sa bagong environment niya. Isang linggo na ang lumipas. Nakakausap namin si Mackenzie every bedtime. Hindi ito nakakalimot na tumawag para mag-good night sa amin. Kahit nga every morning ay may dumadating na flowers para sa amin ng anak ko. Ito talaga ang pumipili ng bulaklak at desenyo na itinatawag nito sa flower shop. Ngayon ay nasa kwarto kami. Si Avery naman ay nasa kama at naglalaro ng doll niya. Nakaharap ako sa vanity mirror. Nagsusuklay dahil katatapos lang naligo. "Mama, sabi Tita Fallen get n'ya ako rito. Play kam

