Chapter Eighty-four Binabalewala namin ni Zie ang mga issues na lumalabas sa social media. Hindi pa rin naman kami naglabas ng confirmation na ako nga ang nali-link dito. Saka na. Sa laban na niya. Pansamantala'y narito kami sa siyudad para magpa-check-up. Kung sa bawat check-up ay galing kami sa Hombre Fuerte Homes ay malayo talaga. Kaya rito muna kami sa bahay ni Mackenzie sa siyudad. Ang daming bantay kahit pa nasa exclusive subdivision na may guards din naman. "Mama, ingat kayo ni baby sister!" todo kaway ni Avery. Idinaan muna namin siya sa Mamita Jas niya. Ayaw ko kasing isama tapos biglang dumugin ako ng mga tao. Baka ma-trauma pa ang bata. Kaya mas better sa Lola na muna niya maiwan. "Anak, baby lang muna. Matagal pa nating malalaman ang gender." "Nope. Baby sister only." Napa

