Chapter Eighty-six Mamaya lang ay magaganap ang labang pinaghandaan ni Mackenzie ng ilang buwan. Hindi mawala-wala ang kaba ko pero sinusubukan kong ibaling sa iba ang atensyon ko dahil ayaw kong masyadong ma-stress. Halos lahat ng kaibigan ni Mackenzie ay narito. Ang wala lang ay ang mga bata na binabantayan ng mga yaya. Narito kami sa waiting room habang ang iba ay nakapwesto na. Tuloy ang pustahan nila. "Lia," tawag ni Lily sa akin. Pumasok ito ng silid at lumapit sa akin. Si Mackenzie ay napalingon din dito. "Yes, Lily?" tanong ko rito. "Remember mo ba iyong pustahan?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Yes. Tiyak na tiyak kayong iiyak ako 'di ba?" "Hindi, girl! Umabot na ng 5 million ang pustahan... pwede bang huwag kang umiyak later? Pigilan mo kahit na anong mangyari," m

