Chapter Sixty-fine Malakas ko siyang sinampal. Hindi ko na napigilan ang galit ko at nakuha ko pa siyang itulak kaya siya napasalampak sa sahig. Gulat na gulat naman ang lalaki. Pero tumayo rin ito nang tumayo na ako. "Lia---" "Nalagay sa panganib ang buhay ng anak ko, Mackenzie! Tapos magsisinungaling ka pa rin? Alam ko! Alam kong ikaw at ang mga tauhan mo ang humabol sa amin nila Prince. Dahil sa inyo kaya kami naaksidente!" sigaw ko rito. Awang labi na mabilis itong umiling. "No, Lia! Hindi iyan totoo. Sa tingin mo ba kaya ko kayong ilagay ni Avery sa sitwasyon na pwede ninyong ikapahamak? No. Mas kakayanin ko pang ako na lang ang malagay sa sitwasyon na iyon huwag lang kayo. Lia, hindi ako o ang mga tauhan ko ang humabol sa inyo. Kararating namin sa Catalindang no'n no'ng tumawag a

