Chapter Sixty-six "Parang gago," ani ko. Napabungisngis ang lalaki. "Kawawa naman ako no'n, Lia. Kaya kailangan kapag aalis kayo ay isama n'yo ako. Nagawa n'yo ng umalis no'n na hindi ako kasama. Kaya kung aalis kayong muli ay sasama na ako. Ayaw kong maiwan, baby," seryoso ito. "Kahit ayaw mo pa sa akin... magbe-beg akong magustuhan mo," nag-iwas ako ng tingin. Inabot naman nito ang kamay ko at hinalikan niya iyon. -- Kahit may pagkakataon na ilag pa rin ako kay Mackenzie ay hindi pa rin naman ako nito iniwan. Habang nasa ospital si Avery at nagpapagaling ay sinimulan na ni Mackenzie na iayos ang pangalan ni Avery. "Avery Aethere Santorin," basa ko sa pangalan nakalagay sa document na ibinigay ng lalaki. Hindi lang ako ang naging Santorin... pati na si Avery. Santorin na rin siya.

