Chapter Seventy-one "Lia, magkwento ka naman kung paano kayo nagkakilala ni Mackenzie?" napapalibutan ako ng mga girls. Nanay, tiyahin, kapatid, at mga pinsan ni Mackenzie. Ang boys ang natoka sa pagbabantay sa mga bata. Kasama sa mga batang iyon si Avery na parang handa ng bumuo ng asosasyon nilang magpipinsan. "Sa bar po kami unang nagkita... parehong lasing at... at..." hindi ko madugtungan. Para bang nahiya ako lalo't gano'n ang first encounter namin ni Mackenzie. "One-night stand ba ito?" aliw na tanong ni Mommy Jas na para bang hindi issue sa kanila iyon. Tumango naman ako. Napangisi ang mga ito. "Yes po," sagot ko. "Hulaan ko nagising ka na wala na sa tabi si Mackenzie or ikaw ang unang nagising at tumakas ka?" "Nagising po ako na wala na si Mackenzie sa tabi ko. Hindi ko

