Chapter Seventy-two "Papa Zie, ang saya ng heart ni Avery," hindi pa tapos kumain ang bata at ngumunguya pa pero naibulalas niya iyon. "Really, anak?" masuyong tanong ni Mackenzie. Agad namang tumango ang bata. "Yes! Yes! Happy family tayo lahat. Dami-dami natin," saka gumala ang tingin nito sa mga kaanak ni Mackenzie. "Love nila ako, Papa Zie?" "Opo. Love ka nila. Hindi na lang si Papa at mama ang family mo. Pati na rin ang lahat ng mga tao rito," ani ng lalaki. "Thank you, papa. Bigay mo kami big family ni mama. Happy ako." Gano'n ito kagalak sa pamilya ni Mackenzie. Tiyak na hindi niya iyon mararamdaman kung pamilya ko naman ang makilala nito. Toxic. Kaya hindi ko rin nanaisin na makilala at makasalamuha niya ang mga ito. Baka sila pa ang maging dahilan kung bakit magbago sa kanyan

