Chapter Ninety-four "Anong ginagawa mo rito?" pareho kaming napalingon ni Mackenzie sa kararating na ginang. Hindi namin napansin na lumapit ito. Patayo pa lang kami ay ibinato na sa akin ang dala niyang bulaklak. Sinubukan man akong iiwas ni Mackenzie pero nahagip pa rin ako. "Tita---" luhaang napatitig ako sa nanay ni Prim. Ramdam na ramdam ko ang galit nito. Sa nanlilisik pa lang nitong mata'y alam na agad kung gaano ito kagalit. "Anong karapatan mong pumunta rito, Lia? Bakit ka nandito?" hiyaw pa nito sa akin. Sa labis na galit ay kita ang panlilisik ng mata niya. "Wala na ang anak ko. Kasalanan mo, Lia!" "Tita, hindi ko po kayo maintindihan. Paano ko pong naging kasalanan ang kamatayan ng kaibigan ko?" gulong-gulo ako. "Ikaw ang pumatay sa kaibigan mo, Lia, at habambuhay kitang k

