Chapter Ninety-three Hindi madaling mag-alaga ng apat na sanggol at isang tatlong taong gulang na bata. Pero hindi naging impossible iyon dahil sa tulong ni Mackenzie, pamilya nito, at ng mga yaya na kasama namin sa bahay. Tulong-tulong kami. Pero hindi naman ako nakalimot na asikasuhin din ang sarili ko. Tiniyak din naman ni Mackenzie na naglalaan ako ng oras para sa me time ko. Unti-unting bumalik sa natural na hubog ang katawan ko. Ngayon ay nagpaalam ako kay Mackenzie. May gusto akong gawin na hindi ko magawa-gawa no'ng buntis ako. "Zie, pwede ko na bang puntahan si Prim?" tanong ko rito. Si Mackenzie na busy sa pagtakbo sa treadmill ay agad na inihinto ang ginagawa saka hinarap ako. "What?" tanong nito na may kasama pang hingal. "Si Prim... baka pwede ko na siyang puntahan

