Chapter Ninety-two Pagtapak ko ng pitong buwan ay kinailangan na akong i-emergency C-section. Mas naging maselan kasi ang pagbubuntis ko. Sa ospital na pag-aari ng Lola ni Lily isinagawa iyon. Panay ang dasal ko na sana'y okay ang quadruplet ko. Alam kong taimtim din na nananalangin si Mackenzie na sana'y okay ang mga anak namin. Nang umepekto na ang anesthesia sa akin ay nakatulog ako. Nagising na lang na nasa private room na. Si Mackenzie ay natutulog sa reclining sofa, halatang himbing sa pagtulog. Pero nang subukan ko itong tawagin ay agad ding nagmulat ng mata. "Zie," mahina lang. Pero agad-agad talagang nagmulat. Agad ding tumayo ang lalaki at lumapit sa akin. "A-ng mga anak natin?" kabado ako. Sana'y narinig ng Diyos ang taimtim naming panalangin. "Naka-incubator ang mga ba

