Chapter Ninety-one One message request ang pumukaw sa atensyon ko... bagong account ni Colleen iyon. Dahil pwede ko namang tignan ang message n'ya ng hindi niya nalalaman ay sinilip ko na rin. Colleen: "Ate, sana makatulong sa 'yo ang audio na ito." May in-send itong audio na may kahabaan. Kahit bisita ko sina Lily at Nevara ay in-play ko pa rin kahit marinig pa nila. Mama: "Kung ano-ano na ang post ko para lang mapansin ni Lia. Kaso masyadong matigas ang babaeng iyon. Balewala sa kanya kung pinag-uusapan na siya ng mga tao." Lola: "Kailangan makausap natin siya. Hindi pwedeng pabayaan na lang niya tayo. Aba'y binuhay natin siya ng ilang taon. Ngayong kaya na niyang bigyan tayo ng magarbong buhay ay umiiwas siya?" Tita: "Madamot talaga iyang si Lia. Hindi pa ba siya naka-move on

