Chapter Ninety Ingat na ingat ako sa bawat lakad ko. Nakabuntot naman si Mackenzie sa akin. Si Avery ay gano'n din. Kasabay nga lang ng kanyang ama. "Papa, bakit sabi TV nakunan mama? Ano ibig sabihin po no'n?" "Nanood ka ng TV?" takang tanong ni Mackenzie. "Kita ko lang TV yaya. Hindi sadya po. Ano ibig sabihin nakunan? Parang take picture po?" "Ah... yes, baka nakuhanan ng pinture si mama mo." "Artista po ba si mama para kuhanan siya picture?" bahala na muna si Mackenzie na sumagot sa mga tinatanong ni Avery. Basta ako nagpatuloy sa mabagal na paglalakad habang hinahaplos nang marahan ang tiyan. Hindi ako nakunan. Pero iyon ang pinalabas namin dahil iba ang naging kutob ko sa pagpunta ng aking ama roon. Pakiramdam ko'y mas dapat na itago ang kalagayan ko lalo na rito. Pinupuntahan

