Chapter Eighty-eight Gising na ako. Pero bago ako nagmulat ng mga mata ay umusal muna ako nang panalangin. Hiniling na sana'y ligtas ang mga sanggol sa sinapupunan ko. Sa sobrang taimtim na pagdarasal ay napaluha pa ako. Saka ko naramdaman ang kamay na humawak sa kamay ko. Maingat na hinalikan iyon. Kaya nagmulat ako ng mata. Ngumiti agad ang asawa ko nang nakitang nakatitig na ako sa kanya. "Safe ang mga baby natin, Lia," iyon agad ang sinabi nito sa akin. Napakurap-kurap ako. "R-eally?" tanong ko rito. Naluluhang tumango si Mackenzie. "Yes, baby. Safe na kayo. Kailangan mo lang magpahinga. Bed rest ang sabi ng doctor, baby." "Ang mga kasama natin sa bahay, Zie? Kumusta sila? Si Avery nasaan?" sunod-sunod na tanong ko rito. "Kinuha na nila mommy si Avery. Sa The Alpha's Town muna an

