Chapter Fifty-five "Kumusta ang mommy mo, Zie? Okay ba siya? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ko kay Mackenzie. Nakatambay kami rito sa playground. Nasa loob kami ng bahay-bahayan. Tulog na si Avery at Prim. Kaya ito kami't may oras sa isa't isa. "Kinailangan dalhin sa hospital si mommy dahil sa labis na kalasingan, Lia. Okay na siya ngayon at nangakong hindi na iinom," takang tinignan ko ito. Alcoholic ba ang mommy nito? "Alcoholic ba?" hindi ko rin naman napigil iyon na itanong. Napabungisngis ito at umiling. "No, Lia. Hindi alcoholic si mommy. Sadyang kapag nayaya siyang uminom ay malala talaga ang epekto sa kanya." "Hindi pwedeng pahintuin kung may masamang epekto pala? Anong klaseng alak ba? Baka pwede n'yong ipasara ang pabrika," pabirong ani ko sa dulo. Umugong ang taw

