Chapter Fifty-six "Can we talk?" kababalik ko lang sa bahay. Gising na gising si Prim at nais makipag-usap. "Sure!" tugon ko naman dito. Mukhang ready na itong makipag-usap sa akin. Kaya dali-dali akong pumayag. Sa sala kami nakarating at pumwesto. May distansya dahil sa single couch naupo si Prim at ako naman ay sa mahabang sofa. "Anong pag-uusapan natin, Prim?" tanong ko sa kaibigan na hindi sa akin nakatingin kung 'di sa kanyang mga kuko. "Ikakasal na ako sa sabado, Lia," ani ng babae na nagpasinghap sa akin. Alam ko namang nagmamadali sila. Pero nabigla pa rin ako na may date na ang kasal nila. Ngunit may napansin ako ng sabihin niya iyon. Hindi siya masaya. Matagal na kaming magkaibigan at basang-basa ko na ang actions, words, at kahit pa expression ni Primrose. "Kung ikakasal

