Chapter Fifty-seven "May problema ba?" ilang araw na akong parang lutang. Napapansin na iyon ni Mackenzie. Sinubukan ko namang umakto na okay lang ako. Pero hindi ko pa rin maitago. Madalas ay wala si Prim. Umiiwas na obvious na obvious namang ginagawa nito. Nag-aalala na ako. Araw na ng kasal nito ngayon. Hindi talaga nagbago ang isip ni Primrose. Hindi talaga niya gustong dumalo kami ni Avery sa araw na iyon. "Zie, samahan mo ako," biglaang desisyon ko. Kahit napanood lang na ikinakasal ang kaibigan ko. Malaking pagsisisi kung hindi ko makikita si Prim na ikinakasal. "Saan?" "Sa munisipyo," agad kong isinara ang tindahan. Si Avery na madusing pa dahil sa kinain na ice cream ay agad na binilisan. Ipinasa ko rin agad kay Mackenzie para makapagbihis ako. Hindi naman ako inabot ng mat

