CHAPTER 72

1245 Words

REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAGISING ako ng alas tres ng hapon. Gutom na gutom na nga ako. Hindi pa pala ako nakakain ng tanghalian pero mabuti na lang at ipinagluto ako ni Dean. Hindi na ako nahihilo pero ‘yong bukol ko, med’yo masakit. Hanggang ngayon nga, may kapit-kapit pa rin akong ice pack para tuluyan nang humupa. Wagas kasi maka-untog ang mama ko. Kala n’ya naman, gawa sa goma ang ulo ko. Ang kanan kong kamay, kapit ang malamig na ice pack habang ang kabila naman, kutsara. “Saan si Boss Demonyito?” “May pinuntahan daw.” Humihigop ng kape si Dean. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Okay naman ako,” tugon ko. “Ang pisngi ko ba, namumula pa rin?” Pinaharap ko sa kan’ya ang kaliwang pisngi ko. “Konti na lang.” Bumuntong hininga ako. “Ganiyan ba ang trato ng mama mo mula noon pa?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD