REAGAN FAYE RODIGUEZ PINIKIT ko ng mariin ang aking mga mata. Sa dinami-daming makalimutan, bra ko pa talaga?! Sabog na sabog at lumulutang kasi itong utak ko kaya nakalimutan ko nang suotin. Nawala naman kaagad ang hiya ko. Kotang-kota na ako kagabi. Matinding kahihiyan ang inabot ko at makapal na yata ang mukha ko para hindi tablan. Dinampot ko na lang ang bra kong naiwan sa couch. Tahimik kong sinuot iyon bago bumalik sa kusina. Nakita ko silang dalawa na hindi kumikibo habang kumakain. Hinila ko ang bangko ko at inupuan iyon. Dinampot na rin ang cake fork para malantakan ko na ‘tong apat na hiwang cake sa plato ko. Napansin kong tig-iisa lang silang slice. Mas malaki ang binigay sa ‘kin. Ang sarap ng cake pero parang ang awkward yata dahil hindi sila nagsasalita. “Wala kayong n

