REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Parang wala lang sa ‘yo ang break up natin ah.” Palihim kong kinuyom ang mga kamao ko. “Gusto mo bang marinig kung gaano ako kamiserable sa araw na pinadala mo ang message na ‘yon? Kung babanggitin ko, ikakatuwa mo ba?” “Ngayong araw na ‘to, sasabihin ko na kung bakit ako nakipagbreak.” I smiled bitterly. “Kahit ‘wag na dahil alam ko naman ang dahilan…” Pilit akong tumikhim. “Nawalan ka ng gana sa ‘kin, right?” “Mukhang ganoon na nga.” Lalo pang kumurba ang mga labi ko. “Hindi na nag-w-work ang relasyon natin. Na-p-pressure rin ako dahil noon pa ako pinipilit ng aking ama na makipaghiwalay sa ‘yo. Hindi agad ako bumitaw dahil… ayaw kong masaktan ka.” “Pero ginawa mo na at kaya hindi ka sumuko no’n kasi, naaawa ka na lang sa ‘kin. Lagi na lang ako nagmamalim

