REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAMILOG ang mga mata ko sa sunod na binanggit ng boss kong demonyito. “S-Sisitantihin mo ang inosente mong manggagawa?! Ang lupit mo naman! Hindi ka ba naawa?!” Iyan ang tanong ko habang pinagmamasdan ang pagmumukha ni Demonyito at parang hindi nga talaga s’ya nagbibiro. Nagalit agad porke sinabing crush ko? “If you don’t want me to fire that guy, uncrush him.” “Uncrush is not even a word, boss—“ “Silence!” Pinatahimik n’ya ulit si Dean at kaagad na tinikom pabalik ang kan’yang bibig. S’ya naman ngayon ang dumakma ng sarili n’yang bunganga at baka matampal ulit s’ya ni boss. “Sandali, bakit naman kayo nagagalit?! Crush lang naman ah?! May sinabi ba akong iba?!” singhal ko pabalik. “I said what I said, Reagan.” Nag pamewang ako sa harapan nila. “Mabalitaan

