REAGAN FAYE RODRIGUEZ HUMINGA ng marahas si Dean at ako naman itong natatawa sa isang tabi. “OH! BILI NA KAYO NG TILAPIA NI REAGAN—“ “Puwede ba, ‘wag mong banggitin ang pangalan ko?!” malakas kong singhal sa kan’ya. “M-Mag kano po ang kilo ng dalagang bukid?” May sumulpot bigla na isang babae pero napansin ko agad na kay Demonyito naka-tutok ang mga mata n’ya. “Three hundred pesos per kilo,” mariing usal ko. “D-Dalawang kilo nga po,” mahinhing usal n’ya. Akma kong dadakmain ang isda pero natigilan ako dahil nakita kong inalis ni Demonyito ang pagkakabutones ng cufflings n’ya at tinaas pa ang cuff. Doon lumitaw ang maugat n’yang lower arms at walang hesitas’yon na dinakma ang isdang bibilhin ng babae. Walang arte-arte. Kaswal n’yang sinalin ang isda sa digital na kiluhan. Sine

