REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Sa ngalan ng Ama, ng Anak ng Diyos Espiritu Santo…” “Amen.” Saba-sabay kaming nag-amen. Nasa loob na kami ng simbahan ngayon. Tamang-tama at pagdating namin, mag-i-i-start na ang misa. Akala ko talaga makakagala na kami pero bigla na lang nangaya si Boss sa simbahan. Mabuti na rin ‘to para nga talaga mabawas-bawasan ang mga kasalanan namin. Nag behave muna kami ni Dean at baka makutusan kami bigla. Dalawang oras siguro ang inabot bago natapos. Habang tinatahak na namin ang daan palabas ng simbahan, bigla na lang kumulo ang tiyan ko at napa-hawak ako roon. “Boss, kumain muna tayo… Kanina pa ako nagugutom…” “Saan mo gustong kumain?” “Sa buffet restaurant!” masiglang sigaw ko. Sumangayon naman si Dean dahil maging s’ya, nagututom din. Sumakay kaming tatlo sa

