REAGAN FAYE RODRIGUEZ “She is not for sale, mom.” Natawa na lang si Madame at hinarap ako pabalik. “Ilang taon na po kayo, madame?” tanong ko sa kumikinang na mga mata. “Naku bata ka, kuwarenta y kuwatro anyos na ako.” “Ano?! Akala ko po mga nasa twenty five lang kayo, madame!” masiglang sambit ko pa na mas lalo lang s’ya natuwa sa ‘kin. “Hindi na ako nagtataka kung saan namana ni Boss ang kaguwapuhan n’ya at ang ganda-ganda pala ng mama…” “Nakuu~ Tama na nga ‘yan, baka maniwala talaga ako sa iyo.” “Dapat talaga kayong maniwala sa ‘kin, Madame! At ang ganda ng bahay n’yo! Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kaelaganteng mans’yon!” “Thank you, Hija. You made my day tuloy…” Sinulyapan ko si Demonyito at napapailing na lang s’ya sa mga sinasabi ko. “Kumain na ba kayo?” “Opo, nil

