REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Kahit ano pa ang sabihin mo riyan, hindi mo makukumbinsi si Reagan. Hindi natin nakasama ang Faith so... si Reagan lang ang nakakaalam kung ano ang pagkatao n’ya. Ang hirap kaya saktan ang mga mababait na tao na wala namang ginawa sa ‘yo. Masasaktan ang Faith na ‘yon sa nalaman n’yang nagkagusto pala si Sir Devillion kay Reagan. Kung ikaw ba, hindi ka masasaktan?” “Ayaw kong isipin kasi hindi naman s’ya ako.” “Ang selfish mo talagang babae ka," wika ni Jiji. “Totoo naman! Naka-focus lang ako sa namumuong love life nina Reagan at boss Devillion!” “Huwag mo talagang sasabihin kay Boss na andito ako ha? Itatakwil talaga kita ‘pag ginawa mo ‘yon,” mariing usal ko. “I know that Reagan…” “Dito muna ako mag-p-part time kina Jiji para makapagipon naman ako ng sa

