REAGAN FAYE RODRIGUEZ AFTER naming kumain, umalis na agad si Eunice. May trabaho ‘yon sa fashion boutique ng ate n’ya. Pinapunta lang naman ‘yon namin dito para maki-chismis. Bale, house maid muna ang raket natin ngayon pero imbes na gawaing bahay ang aasikasuhin ko, naki-suyo si Jiji sa ‘kin para linisan ang mga kuko n’ya kaya tumambay ulit kami sa balcony para magawa ko na. Naka-tulog na nga s’ya habang kinakalikot ko ‘tong kuko n’ya sa paa. “Miss Reagan, kapag natapos ka riyan, puwede mo ba akong matulungan sa labas?” Binalingan ko ng tingin ang nag salita sa naka-bukas na sliding door. Isa sa mga house maid din nina Jiji. “Antayin n’yo na lang po ako at patapos na ako rito.” Sumangayon s’ya sa ‘kin. Nang malinisan ko na lahat, iniwan ko roon si Jiji na natutulog sa sofa bed n’ya.

