REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Nagpumilit s'yang mag apply... Hindi sana ako papayag dahil hindi pa ako nakapagpaalam sa amo ko pero hindi ko natiis at tinanggap ko na lang agad!” Natawa ako ng pagak. “Sige na, usap muna kayo… May edad na ako para mangharot pero ikaw, bata ka pa! Makipakaibigan ka sa lalakeng ‘yan! Ang pogi-pogi pa naman!” Parang maiihi na rin sa kilig si Ate Nenita. Kahit pabulong ang usapan namin pero halatang-halata na naririnig ng Demonyito! Inaantay ko lang talagang umalis si Ate para maumpisahan ko s’yang tanungin! “Babalikan kita rito mamaya!” Nag-paalam na wakas s’yang umalis. Tinanaw ko muna si Ate at siniguradong nawala s’ya sa paningin ko. Nang maka pasok na sa main door ng mans’yon, doon ko hinarap si Demonyito pero nahinto bigla ang aking pag hinga dahil nasa h

