REAGAN FAYE RODRIGUEZ Hindi ako papayag. Dapat akong pumunta sa party at planado na namin lahat nina Jiji, pati na rin si Eunice. Hindi ko puwedeng kulitin nang kulitin si Demonyito at baka masapok n’ya ako kaya minaigi ko na lang na tumahimik pero hindi n’ya alam na aalis pa rin ako. Nang sumapit ang araw na pinakaantay ko, umiinit na ang puwet namin ni Dean sa kakaupo sa swivel chair. “Boss, saan ang punta mo?” tanong ko nang makita ko s’yang lumabas sa lounge. “Lalabas ako saglit, dito lang kayo,” bilin n’ya sa ‘min kaya sumangayon na lang kami ni Dean. Ang plano ko, kapag uuwi ako mamayang alas dyes, doon pa lang ako pupunta sa party pero 8:30 pa lang, mukhang may biglaang lakad si demonyito! Dapat akong umalis agad! “Payatot, aalis na ako.” “What? But we are not done yet…”

