Sandali silang nagkatitigan ni Margaret at muling napatiimbagang si Meghan ngunit wala na siyang magagawa pa. Kailangan niyang harapin ang problema kasi iyon ang tama. Nangyari na kasi at hindi na p’wedeng baguhin pa ang nakaraan. Aminado siya na mahirap ngumiti kay Margaret considering sa nakaraan nilang dalawa ngunit kailangan niyang maging civil man lang kung hindi pa niya kayang makipagkaibigan sa babae. “Uminom ka muna,” inalok ni Margaret ng malamig na juice si Meghan dahil kanina pa niya napansin na nag-aapoy sa galit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tinanggap ni Meghan ang juice at kaagad itong inubos at saka ibinalik sa center table ang baso. “Alam mo na siguro kung ano ang sadya namin ni Nick dito.” Tumango si Margaret dahil nagkausap na sila ni Nick sa phone kanin