Imbes na magalit ay natawa si Meghan sa inasal ng lalaki. Masyado itong desperado at cute na rin, kaya lang ay hindi pa rin siya kumbinsido na bigyan ito ng pangalawang pagkakataon. “Alam mo, kung ganito ka sana ka-intense dati, hindi sana nasayang ang tatlong taon ko rito sa Cebu. So, ano’ng plano mo? Ikukulong ako dito, ganun?” Kinuwestyon ni Meghan si Nicholas.
Sandaling natahimik si Nick dahil naguguluhan siya. “Kung kinakailangan ay gagawin ko ‘yon, Meghan!” Pagkuwa’y sabi niya.
“Hmmm eh di wow, basta ipagluto mo ako lagi, ‘yong masarap ha! Saan ba ang magiging kwarto ko dito?” Tinalikuran niya si Nick ngunit sumunod ito sa kanya. Titingnan niya kung hanggan kailan ito tatagal, basta siya, mag-eenjoy bilang prinsesa sa mala-palasyong bahay ni Alexander.
Kumunot ang noo ni Nick at napaisip siya kung ano ang nasa utak ni Meghan. Napailing na lamang siya dahil napakahirap nitong intindihin, ganunpaman, handa siyang intindihin ito habang-buhay. “Hindi ka na galit sa akin? Okay na tayo?” Tinanong ni Nick ang babae bago nila narrating ang magiging silid nito.
“Konti na lang, kaya galingan mo ha. Galingan mo ang pag-alaga sa akin, at galingan mo rin ang iyong panliligaw kasi gusto ko yong araw-araw ay maramdaman kong ako ang number one diyan sa puso mo, Nick. Ayoko ng kaagaw, nagkaintindihan ba tayo?” Sinabi niya sa lalaki ang mga dapat nitong malaman.
“Mag-isa ka lang dito sa puso ko, eh ako, mag-isa rin lang ba ako diyan sa puso mo?” Tinanong niya si Meghan kasi sa inasal nito ay parang hindi na siya importante sa buhay ng babae. Naglakas-loob na siyang tanungin ito kahit n natakot siyang aminin ni Meghan na may pagtingin ito kay Michael.
“Dati, ikaw lang. Pero ngayon hindi na,” umamin si Meghan ngunit bago siya nakapasok sa loob ng magiging silid niya, bigla siyang pinigilan ni Nick at hinawakan nito ang kanyang braso. “Ano ba?” Nainis siya sa paraan ng paghawak nito sa kanyang braso. “Nasasaktan ako, Nick!” Binalaan niya ang lalaki na pakawalan ang kanyang braso.
Niluwagan niya ng konti ang pagkahawak sa braso ng babae at tinanong ito. “Si Michael ba?”
Napailing si Meghan habang nakatingin sa lalaki. “Lalaki lang ba talaga ang pwede mong karibal sa puso ko, Nick? Hindi ba pwedeng iba?” Nagtanong siya ngunit iba ang reaksyon ng lalaki. Natigilan ito at kumunot ang noo na para bang may nasabi siyang masam.
Biglang inalis ni Nick ang kanyang kamay mula sa braso ni Meghan at ilang beses na kumurap ang kanyang mga mata dahil mas lalo lang siyang naguguluhan. “May babae ka?”
For a moment, they stared at each other, and no one dared to look away first. Gusto niyang humalakhak ngunit nag-alala siya na baka mas lalong ma-offend ang lalaki sa kanya. Kaya lang, ang hirap kasing pigilan. Hindi talaga niya kaya…at malakas siyang tumawa.
“Ano’ng nakakagulat dun?” Biniro pa lalo ni Meghan ang lalaki. Tiningnan siya ni Nick ng masama ngunit panay pa rin ang paghalakhak niya. Nakakaaliw kasi ang mukha ng lalaki. Ngunit, habang naaliw siya sa ekspresyon ng lalaki, parang sasabog na sa galit si Nick. “Sorry, hindi ko sinasadya na matawa sa sinabi mo. Bakit mo naman naisip na may babae ako?” Tinanong niya si Nick.
Mas lalo lamang naguguluhan si Nick sa takbo ng kanilang pag-uusap. “What’s so funny?” Na-offend siya ginawa ng babae.
“Ikaw. Bakit mo naman naisip na may babae ako? Dahil dun sa tanong ko? Pero tama ang sinabi mo, babae ang iyong karibal sa puso ko.” Paglilinaw ni Meghan na mas lalong ikinagulat ng lalaki.
Hindi siya nakahuma sa rebelasyon ng babae. Masasayang lang ba ang kanyang effort na makuhang muli ang loob nito? “Bisexual ka?” Tinanong niya si Meghan upang makumpirma kung tama ba ang kanyang narinig.
Bago pa siya muling matawa, sinubukan ni Meghan na magmukhang-seryoso at tumikhim muna bago nagsalita. “Grabe ka. Syempre, babae ang karibal mo kasi babae ako Nick. FYI, mahal na mahal ko ang aking sarili, kaya hayun, kung sasaktan mo lang ako in the future, ‘wag na lang! Sayo na lang ang puso mo, at ako na ang bahala sa sarili ko.” Paglilinaw niya upang mas maintindihan ng lalaki na hindi ito kawalan upang maging masaya siya habangbuhay.
Dahil sa sinabi ni Meghan, napaisip si Nicholas na mukhang mahihirapan siya sa makamit muli ang matamis nitong oo. Kasalanan niya kung bakit naging bato ang puso ng babae. Ganunpaman, walang inaatrasang laban ang isang Demakis.
Lumapit siya sa babae at hinapit ang maliit nitong baywang at saka bumulong. “Kaya mo bang halikan ang sarili mo kagaya nito?” Napasinghap si Meghan sa sinabi niya ngunit bago pa ito makapag-react, sinakop niya ang matatamis nitong labi.
Makalipas ang ilang segundo ay pinakawalan rin ni Nicholas ang kanyang mga labi. Pinahid niya ito at saka tumingin sa lalaki. “At sa akala mo naman ay madadala ako sa isang halik? Hindi na ako teenager para ma-fall sa mga ganyang istilo, Nick!”
Batid ni Meghan na nainsulto ang lalaki sa kanyang sinabi pero totoo naman na walang kwenta kung hahalik-halikan lang siya. Kaya lang ay desidido na siya na hindi magpapadala sa damdamin lang. Minsan na siyang napaso sa mga halik ng lalaki at hindi na ‘yon mauulit. Unless pakakasalan siya nito…
“Kung totoo ang sinabi mo na mahal mo pa rin ako hanggang ngayon, patunayan mo!” Hinamon niya si Nick.
“Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo baby at gagawin ko,” masiglang sumagot si Nick dahil nabuhayan siya ng loob. Sa tingin niya kasi ay may pag-asa na siyang magkasundo sila ni Meghan. “Kahit ano, sabihin mo lang.” Inulit ni Nick ang kanyang sinabi kanina.
“Pakasalan mo ako,” sabi niya at nagulat ito sa kanyang sinabi. Prangka ba kamo? Siya ‘yon! Kilala niya si Nick dahil magkasama naman sila sa isang bubong dati at hindi ito pwedeng pilitin ng kahit sino. Kapag ayaw nito ang isang bagay ay talagang aayaw ito. “Hey, what are you doing?” Nagulat si Meghan nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Nick at binuksan ang isang maliit na kaheta na may singsing.
“I want to marry you,” inanunsyo ni Nick ang kanyang hangarin. Sa totoo lang ay matagal na niyang binili ang singsing para kay Meghan pero nawalan siya ng pagkakataon na ibigay ito sa babae dahil umalis ito.
Hindi niya tinanggap ang singsing na ibinigay ni Nick at pero tinulungan niya itong tumayo dahil hindi naman siya diyosa upang sambahin ang kanyang paanan. “Mahal mo ba talaga ako?” Pagkuwa’y tinanong niya si Nicholas.
“Sobra,” sumagot si Nick.
“Okay, usap tayo pagkatapos kumain.”